Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, ‘di trip ng netizens ang pagbabati

Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, ‘di trip ng netizens ang pagbabati

Kris-Aquino-Ai-Ai-delas-AlasNAKAKALOKAH DIN ang ilang netizens, ‘no? Nagkabati na nga sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, parang hindi nila trip.

Gusto ng iba, ‘wag nang magkabati at iba-iba ang dahilan nila. ‘Yung iba, nagdududa pa na kesyo nagpaplastikan lang ang dalawa.

Meron pang nagko-comment na nagregalo pa si Kris ng kuwintas na me pendant ng Mama Mary. Ginamit pa raw si Mama Mary.

Haaaaa???!!

Ano kayang klaseng utak meron ang iba nating kababayan, ‘no?

Alam naman naming everybody’s entitled to his own opinion, pero ang weird lang ng mga opinyon nila.

Akala mo talaga, parang close na close sila sa dalawa kung makapanghusga sila du’n sa mga taong sangkot.

In short, affected much sila sa reconciliation. Hahahaha!

If I were them, ipahinga na nila ang kanegahan nila at ituon na lang ang atensiyon nila kung paano nila palalaguin ang mga sarili nilang buhay.

‘Di ba mas keri ‘yon?

Oh My G!
by Ogie Diaz