Ai-Ai delas Alas, kinompronta ang ‘babae’ ng bagets na dyowa

Ai-Ai delas Alas, kinompronta ang ‘babae’ ng bagets na dyowa

Gerald-Sibayan-Ai Ai-delas-AlasKAWAWA NAMAN si Ai-Ai delas Alas. Wala pa nga isang taong ang pakikipagrelasyon niya sa boyfriend na 30 years younger kaysa sa kanya, heto’t may intriga na.

Insecure nga ba ang komedyante sa mga younger girls na umaali-aligid sa boyfriend na si Gerald Sibayan? Na-iskupan kasi ng komedyante na may lumalandi kay Gerald na nahuli mismo ni Ai-Ai na siya rin ang kumompronta sa girl.

Una tinatanong ni Ai-Ai ang BF kung sino ‘yong girl “friend” nito sa Facebook. Sabi diumano ni Gerald, waley; isang badminton fan lang daw. Ang binata kasi, isang magaling na badminton player ng DLSU, kung saan kung maaalala pa sa larong ito nakilala ng komedyante ang bagets na boyfriend. Pero balita namin kinumpronta ni Ai-Ai ang “girl fan” ni Gerald sa Facebook.

Aminado ang komedyante na sa edad niya, malayo na ang temtasyon sa parte niya. Na in short, si Gerald na edad 21, malayo sa hindi dahil bata at sariwa, iba pa rin ang hanap.

Sa layo ng agwat ng edad nina Ai-Ai at Gerald, hindi malayo na may temtasyon sa parte ng lalaki na aminin man ni Ms. Ai-Ai, lalaking bagets ang inibig niya.

Okey, walang duda na ang puso ay hindi mapanlinlang, pero ang tawag ng laman, iba ang usapan. Sa edad na 21 ni Gerald, hindi na kailangan ng Viagra para ganahan. Ewan ko kay Ms. Ai-Ai kung may itatagal siya sa labanan.

Reyted K
By RK VillaCorta