Ai-Ai delas Alas, kailangang patunayan sa bashers na ‘di pa siya laos

Ai-Ai delas Alas, kailangang patunayan sa bashers na ‘di pa siya laos

Ai-Ai-delas-AlasANG ISA pa pala sa dapat na abangan n’yo sa Startalk ay ang guesting ni Ai-Ai delas Alas.

Ipu-promote na ni Ai-Ai ang drama series niyang Let the Love Begin na kung sana tampok dito ang bagong loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Interview namin si Ai-Ai at sinabi ko naman nu’n pa na ayokong pagsabihan kung ano ang hindi puwedeng itanong, ‘no! Kahit hindi niya sasagutin, okay lang. Basta naitanong ko!

Lahat ay itatanong ko kay Ai-Ai,  lalo na ang friendship nila ni Kris Aquino na nanamlay na.

Sasabihin niya kaya kung ano talaga ang ikinasama ng loob niya kay Kris?

Abangan n’yo na lang ang no-holds barred na interview namin sa Comedy Queen.

Dapat mag-rate talaga itong Let The Love Begin para hindi magdiwang ang mga bashers ni Ai-Ai na nagsasabing laos na raw siya.

Kunsabagay, dedma na si Ai-Ai sa mga paninirang natatanggap niya. Ayaw na raw niyang pansinin ang mga negativity. Sa mga positibong bagay raw siya naka-focus.

Abangan n’yo na lang ang pagsisimula ng Let the Love Begin sa susunod na linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis