Ai-Ai delas Alas, iwas pag-usapan ang bagets na boyfriend

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, iwas pag-usapan ang bagets na boyfriend

Ai-Ai-delas-Alas-Gerald-SibayanHAPPY NAMAN si Ai-Ai delas Alas sa bagets na boyfriend niya ngayon, pero tahimik lang siya.

Iniiwasan niyang pag-usapan ang tungkol sa boyfriend dahil mas gusto raw niyang tahimik lang sila.

Mabuti na raw ang ganu’n at baka maudlot na naman kaya hindi niya ito ipinapakilala sa publiko.

Kung nakikita ng mga kaibigan niyang press, okay lang, pero ayaw niyang magkuwento ng tungkol sa relasyon nila. Basta sila na raw at tingin daw niya ito na ang last niyang karelasyon.

ADVERTISING

Itong batang boyfriend ni Ai-Ai ay miyembro raw ng badminton team ng La Salle.

Kaya naman pala sobrang suportado nito ang La Salle badminton team dahil sa isa roon ang dyowa niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING