Ai-Ai delas Alas, itinangging droga ang dahilan ng pagpayat

Ai-Ai delas Alas, itinangging droga ang dahilan ng pagpayat

Ai-Ai-delas-AlasINUNAHAN NI Ai-Ai delas Alas ang entertainment press na dumalo sa grand presscon ng pelikulang Past Tense kasama sina Kim Chiu at Xian Lim na hindi siya nagdo-droga dahil sa biglang pagpayat.

Ibang-iba kasi ang aura ni Ai-Ai nang dumating sa presscon. Maaliwalas ang mukha at walang tigil sa pagkikipagbiruan sa press.

Proud ding sinabi ni Ai-Ai na golden girl na siya ngayon, as in 50 years old na siya kaya mas nag-mellow na siya sa buhay at naging maganda na ang disposisyon.

Aniya, “Chill na lang ako sa lahat, sa buhay ko. I-enjoy ko na lang ang lahat nang pinagpaguran ko. Ang sarap pala na makamtan ang peace. Hindi ako nagdo-droga, ha? Sinasabi ko lang ang tama… Oo, malinis naman ako.”

Kahit na anong pasakit na dinanas ay naging matatag daw siya kaya hindi pumasok sa isip na magdroga para makalimutan ang mga pasakit na dinanas lalo na pagdating sa lovelife.

Kaya ‘eto siya ngayon, masaya dahil nakatagpo muli ng lalaki na para sa kanya ay inilaan talaga sa kanya para makasama sa buhay.

Pagmamalaki pa ni Ai-Ai, wala siyang ibinigay na material na bagay sa bagong minamahal. Siya pa nga raw ang niregaluhan ng mga mamahaling bagay.

Well, sana nga ay natagpuan na ni Ai-Ai ang tunay na lalaking magmamahal sa kanya nang wagas at hindi dahil siya ay isang sikat na artista at madatung.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo