Ai-Ai delas Alas, isinaksak lang sa noontime show

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, isinaksak lang sa noontime show

Ai-Ai-delas-AalasHALATANG ISINAKSAK lang sa noontime show si Ai-Ai Something para makondisyon ang mga televiewers about the existence of her movie with Bossing Vic, Alden and Yaya Something.

Hindi naman kuwela ang character ng laos na komedyante, halatang isinaksak lang siya sa show para magkaroon ng justification ang pagiging komedyante ni Yaya Something.

Actually, hindi na naman kailangan si Ai Ai roon, makararaos ang show nang wala siya. Pero dahil may movie sila, kailangang ipasok siya.

Halatang lumalaylay na ang segment ng noontime show dahil kung sinu-sino na ang ipinapasok para lang maging katawa-tawa ang palabas.

ADVERTISING

Meron pa silang bagong character ngayon na isang Russian model kuno na pilit na ipinapareha kay Alden para pagselosin ang Pambansang Yaya.

What’s funny is, taken na naman pala ang Russian model. Yes, may boyfriend na itong Pinoy model na matangakad din.

May mga AlDub idiots na nag-suggest na kunin ng noontime show si Vico Sotto, anak nina Vic and Coney Reyes bilang bagong suitor ni Yaya Dub. Pero marami ang nag-oppose. Hindi raw papayagan nina Coney and Vic na makaladkad ang kanilang anak sa katsipang gimik.

 

INGINUDNGOD NG ABS-CBN primetime teleserye ang mga walang kuwentang soap ng Siyete.

Imagine, nakakuha lang ng 18.4% ang pilot episode ng Little Nanay habang 35.1% naman ang nakuha ng Pangako Sa ‘Yo ayon sa Kantar Media National TV Ratings.

Kung sa bagay, who is Kris Bernal compared to Coco Martin? Hindi ba’t one time ay nasulat pa si Kris na nagbigay ng expensive belt bilang regal okay Coco noon.

Ang isa pang pinakain ng alikabok ng Ang Probinsyano (41.6%) ay ang katapat nitong Marimar (21.4%). Talagang inginudngud ng teleserye ni Coco ang soap ni Megan sa rural ratings dahil nakapagtala ng  45.5% ang soap ni Coco against  Megan’s soap which posted a rating of  19.5%. Sa Metro Manila ratings ay talo pa rin ang Marimar (23.5) dahil nakakuha ang soap ni Coco ng 36%.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING