Ai-Ai delas Alas, isang napakalaking desisyon ang pag-alis sa Dos

Ai-Ai delas Alas, isang napakalaking desisyon ang pag-alis sa Dos

Ai-Ai-delas-AlasISANG NAPAKALAKING desisyon talaga para sa career ni Ai-Ai delas Alas ang nakatakda niyang paglipat ng network kung iyon ay matutuloy. Nakapag-isip na talaga siya habang nasa ibang bansa at habang narito rin sa bansa na hindi muna masyadong busy. Hindi rin naman kasi madali para sa kanya na iwan ang ABS-CBN nang ganu’n na lang, dahil matagal din namang naging maganda ang kanilang samahan sa ngalan ng trabaho.

Aware naman siyempre si Ai-Ai sa mga nangyaring paglipat ng ibang artista ng Kapamilya Network sa ibang istasyon ng telebisyon. Sina Sharon Cuneta, Aga Muhlach, at Claudine Barretto ay hindi naging matagumpay sa kanilang pag-alis sa ABS. Pero kung sakali, dati na ring nakalalabas ang Comedy Concert Queen sa GMA-7, kaya para lang din siyang bumalik doon dahil nu’ng sumisikat pa lang ay naging co-host din siya sa dating programang Lunch Date ng Siyete.

Kapamilya na rin ni Ai-Ai ang mga taga-GMA. Pero kung mahal at pinahahalagahan ng Kapamilya Network ang komedyana, hindi matutuloy ang lipatan. Pipigilan siya sa kanyang planong pag-alis, kung paanong hindi natuloy noon ang napabalitang pag-iisip na lumipat ng ibang network sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, at Judy Ann Santos na hanggang ngayon ay nananatili pa ring Kapamilya stars.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista