Ai-Ai delas Alas, ipinagtanggol ng anak sa bashers

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, ipinagtanggol ng anak sa bashers

Ai-Ai-delas-AlasPINALAGAN NI Sophia, ang anak ni Ai-Ai delas Alas, ang Fashion Pulis blogger na halos araw-arawin ang pangne-nega sa nanay niya.

Isang one-liner na “Who was the one who got kick out of a school?” ang pinakawalan niya na ikinaloka ng blogger kaya naman kaagad itong nag-react and said, “Our new department chair was offering me to teach Marketing Principles this trimester, I was the one who turned it down because I’m busy with Tita Bigtime’s cancer treatment.”

Kung merong nam-bash kay Sophia ay meron ding nagtanggol sa anak ni Ai-Ai.

“Ms. Aiai daughter, why don’t you instead look for work yourself instead of mindlessly loitering online?” say ng isang FP follower na sinagot naman ng isang  guy nang ganito, “hindi naman bastos yung anak niya. nagssabi lang ng opinion parang tayo lahat dito. and i don’t think she’s mindlessly loitering online. nabasa lang din niya just like all of us here.”

ADVERTISING

“I understand her feelings sa mga bashers ng mom nya. Sobra naman kasi most of the times ang mga bashers. As if wala ng next day sa pangbabash. Peace,” say ng isang supporter ni Sophia.

“Kasi naman.. Kala natin napakalinis natin.. Tignan muna natin sarili natin.. Bago tayo maghusga.. Tama anak ni miss Aiai.. Wag tayo masyado mapanghusga ng tao.. Go tama yan paglaban mo ang tama..at iyong magulang… Iba kasi ipokrita,” one fan observed.

“Actually totoo naman yang sinasabe niya. Isang side lang ng mga artista ang nakikita nyo sa TV sa likod ng camera theyre just simple human beings. I worked behind the TV and dun makikita mo ang mga artista sa likod ng camera, I understand you guys kase before ganyan din ako pero you just need to understand na tao din sila. And I think yung anak ni ai ai is just protecting her mother eh kung kayo sa mga nanay nyo gawin yan di ba kayo papatol?” sabi pa ng isa.

Actually, IDIOT lang ang naniniwalang hindi dapat ipagtanggol ni Sophia si Ai-Ai. Normal lang para sa anak na ipaglaban ang kanyang ina, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING