Ai-Ai delas Alas, ini-enjoy lang kung ano’ng mayroon siya ngayon

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, ini-enjoy lang kung ano’ng mayroon siya ngayon

3 Ai-Ai-delas-AlasCLICK SA mga fans ang tandem nina Kim Chiu at Xian Lim kaya’t may bago na naman silang pelikula, ang Past Tense with Ai-Ai delas Alas na dinirek ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema. Masasabing isang fresh romantic comedy ang movie dahil nakasentro ito sa makulay na buhay ni Bhe (Ai-Ai). Twenty years siyang na-coma at nagising para itama ang mga pagkakamali niya in the past.

ADVERTISING

Ito’y isang pelikula tungkol sa mga consequences, mga pagbabago, at mga pagkakataon na dapat ibigay ng mga tao base sa mga desisyon na kanilang ginagawa sa kanilang buhay. May mga bagay-bagay kayang gustong balikan si Ai-Ai in the past? “Wala na akong babalikan pa…,” say ng Comedy Queen.

Labis na ikinatuwa ng Comedy Queen ang support na ibinibigay sa kanya ng mga fans nina Kim at Xian. Alam niyang magiging box-office success ang pelikula nilang tatlo. Pagsamahin mo nga naman ang mga fans ng tatlong bida, bingo ito sa takilya.

Happy ngayon si Ai-Ai sa bago niyang pag-ibig. Kahit sabihin pa nating malaki ang agwat ng kanilang edad. Sa panahon ngayon, hindi na importante kung mas bata o matanda ang taong mahal mo. Kahit maraming trial na ang dumating sa buhay ng actress, patuloy pa rin siyang naghahanap ng tunay na pagmamahal na makakasama niya habang buhay. Ini-enjoy ni Ai-Ai ang love relationship sa bago nitong boyfriend. “Sabi ko nga sa sarili ko, enjoy ko ‘yung pinaghirapan ko. ‘Yung past tapos na, ginamitan ko na nga ng period. Hindi na puwedeng ibalik ‘yun… Wala siya sa past, nasa present at future. Ini-enjoy ko ‘yung present, kung ano ‘yung mayroon ako sa present ko,” sabi niya. Hoping pa rin ang comedianne na darating si Mr. Right sa takdang panahon.

ADVERTISING

Para kay Kim, kung puwede lang balikan ang nakaraan, hindi raw sana niya kinimkim ang galit sa kanyang ama nang ilang taon na nasayang. Na-realize ng dalaga ang pagkakamali niya, inalis ang galit sa kanyang dibdib at pinatawad ang amang nagkasala. Ngayon daw ay magkasundo na sila, kinalimutan ang pangit na nakaraan sa kanilang mag-ama. “Masarap ‘yung pakiramdam na inalis mo ang galit sa ‘yong dibdib at ikaw ay nagpatawad. Maging positive na lang tayo sa buhay para everybody’s happy.”

Kung pag-uusapan ang relationship nina Kim at Xian. Nakikita ng binata si Kim sa future na puwedeng maging sila. Ganu’n din ang naging pahayag ng actress, “Everything happens for a reason. May dahilan si God kung bakit nangyari ‘yun. Walang imposible, nakikita ko rin si Xian sa future. Masarap palang maging masaya at mahalin mo ang sarili.”

Parang anak na ang turing ni Ai-Ai kina Kim at Xian, Bhe ang tawag niya rito. Palagi silang masaya sa set, biruan, tawanan. “Mahilig palang mag-joke si Xian. Si Kim baby ko ‘yan, she will always be my love,” tsika ni Ai-Ai. “Kahit nga drama ang eksenang kukunan ko sa kanila, nagtatawanan sila,” dugtong naman ni Direk Mae.

Sa status ni Ai-Ai, wala na raw siyang mahihiling pa sa Panginoon. Pasasalamat na lang sa lahat ng blessing na ibinibigay sa kanya ni Lord. As a person, mahilig mag-share ng blessing ang Comedy Queen lalo na sa media at sa mga taong nangangailangan ng tulong. Kahit may sariling foundation ang singer/actress, hindi nito ipinagmamakaingay.

Samantala, nag-transform si A-Ai sa kanyang electronic dance music album na “Ada: The EDM Diva ng Star Music. Super hit sa radio ang kanta niyang “Nandito Lang Ako”. Ang kanyang album launching ay ginanap sa ASAP 19 last Sunday, kung saan inawit niya ang nasabing carrier single.

Ngayon taon, nagdiwang ng ika-50 kaarawan at ika-25 anniversary in showbiz ang singer-actress. Makabago ang mga songs sa album na magugustuhan ng mga kabataan. Feeling Jennifer Lopez si Ai-Ai, dahil makabago ang tunog. Maa-appreciate siya ng mga teenager.

ADA na nga ngayon ang stage name ni Ms. Ai. “Hindi ko naman hinahangad na maging ka-level ko si Psy sa kasikatan, pero matagal ko nang gusto magka-album na maraming magkakagusto at talagang tatangkilikin.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING