Ai-Ai delas Alas, hugas-kamay sa ‘feelingera’ issue kontra Maine Mendoza

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, hugas-kamay sa ‘feelingera’ issue kontra Maine Mendoza

Ai-Ai delas Alas, hugas-kamay sa ‘feelingera’ issue kontra Maine MendozaNagtataka lang ako kay Ai-Ai delas Alas na biglang kabig siya sa sinasabi niyang “feelingera” raw itong si Maine Mendoza.

In short, being feelingera is negative attitude na nakadikit sa pangalan ng isang artista na maaaring ipakahulugan na may yabang mode; feeling sikat, nega, at kung anu-ano pa.

Nagsimula ito sa grand presscon nina Ai-Ai delas Alas, Vic Sotto, at tambalang AlDub sa MMFF 2015 entry nilang “My Bebe Love” na super late dumating ang baguhan, na ang mga main stars like Ai Ai and Bossing Vic ay super inip na sa kahihintay sa kanya.

Doon mismo sa presscon venue, iritado na ang Comedy Queen. Sa katunayan, nabasa namin recently ang isang text niya noon sa “feelingera” isyu nito laban kay Maine.

ADVERTISING

Nang pumutok sa press ang tsika na may gayong statement si Ai Ai, heto’t with her pa-tweetums image (pero may pagka-Meldy rin ang lola mo ayon sa isang showbiz insider); hugas kamay naman ngayon si Ai Ai sa pagkairita niya kay Maine.

Pero aside from Ai Ai’s pagkairita isyu kay Maine, may mga balitang nakararating sa amin na ang baguhan diumano ay may nega attitude din. Maging ang isang English writer na nag-interview sa kanya, halos iisa ang assessments ng karamihang press sa kakaibang ugali raw nito.

Bukod sa late dumating based sa schedule niya, magtataka ka na peg ni Maine na humingi ng vodka-sprite during the kaganapan na ipinagtataka ng mga taong nandoroon.

Si Maine, nagbago na nga bang talaga? The last interview na nabasa ko sa kanya sa isang online showbiz site, never pa raw niyang nararamdaman na may nagbago sa buhay since she gain the poplarity.

Kape nga!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING