Ai-Ai delas Alas, hiyang sa bagong dyowa!

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, hiyang sa bagong dyowa!

Ai-Ai delas Alas, hiyang sa bagong dyowa!

SINUWERTE NA rin si James Yap, dahil sa tuluyang hiwalayan nauwi ang relasyon nila ni Kris Aquino. Kung nagkataon kasi, baka kung nangyaring nagkabalikan pa sila pagkatapos ng huling gusot na kanilang pinagdaanan, baka may pagdusahan din ang daddy ni Baby James kung papaano na siya itatrato ni Tetay.

Aminado kasi ang magaling na TV host ng KrisTV ng ABS-CBN, na kapag ang isang taong kanyang minahal ay mayroong ginawang kasalanan sa kanya, marunong siyang magpatawad. Pero hindi raw niya nakakalimutan kung ano ang ginawang kasalanan sa kanya.

Nadadaan lang ni Kris sa biro ang kanyang nararamdaman, pero nakakakaba ‘yung sinabi niya, na kung magkarelasyon pa sila ng lalaking mahal niya at napatawad na niya, pero kung ano raw ‘yung eksaktong kasalanan sa kanya ng kanyang mahal, lagi pa rin niyang uulit-ulitin na banggitin sa kanyang karelasyon. Mahirap nga naman iyon, dahil laging pagmumulan pa ng tampuhan na humahantong sa away. Ayaw kasi ng mga Mister na lagi silang kinukunsensiya ng kanilang Misis tungkol sa mga dating kasalanan.

ADVERTISING

Sobrang kiligin lang si Kris sa mga guwapong lalakI sa showbiz at agad niyang pinupuri. Pero ipinagmamalaki ni Kris na kapag mayroon siyang karelasyon, loyal siyang talaga at nakatutok lang lagi ang kanyang atensiyon sa lalaking mahal niya. Pero ang ikinalulungkot lang ni Kris ngayon, kapag napag-uusapan lagi ang muling pagpapakasal, venue na lang daw ng kasal ang kanyang naiisip, pero wala siyang maisip kung sino ang kanyang magiging groom.

 

MARAMI LANG ang sobrang natuwa sa pagkakaroon ngayon ng lovelife ni Ai-Ai delas Alas, kaya parang ang ibang tao pa na nagmamahal sa kanya ang may gusto na magplano na sila ng kanyang boyfriend na magpakasal ng madalian.

Kung Comedy Queen kasi ang tatanungin, ayaw niya munang tumutok sa madaliang pagpapakasal. Habang ine-enjoy niya kasi ngayon ang bagong kinapapaloobang relasyon, naroon pa rin ‘yung kasigurunan na gusto niyang makuha. Kung kasalan na ang usapan, gusto niya na iyon ay pangmatagalan na.

Mukha talagang hiyang si Ai-Ai sa kanyang lovelife ngayon, dahil napakaaliwalas ng kanyang byuti at lagi siyang masaya.  Hindi na dapat maging isyu rito ang edad ni Ai-Ai, dahil uso naman talaga ngayon ang magkakarelasyon na malalayo ang agwat ng edad. Mayroon na rin naman siyang mga anak, kaya hindi na problema kung manganganak pa siya kapag naikasal. Ang mahalaga lang sa ngayon, huwag maudlot ang kanyang pakikipagrelasyon, dahil ilang pagkakaudlot na rin ng relasyon ang kanyang naranasan, kaya natagalan ulit siyang magkipag-boyfriend.

May lungkot namang mahahalata sa mukha ni Ai-Ai ngayong nagsimula na ang shooting ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng at Si Me, na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto, Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Judy Ann Santos, na siyempre pa’y ipalalabas at isasali sa darating na Metro Manila Film Festival sa December.

Kung wala kasing naging aberya ay siya sana ang makakasama nina Vic at Bong sa project na pampestibal. Nasanay kasi si Ai-Ai na laging may bonggang pelikula kapag buwan ng December. Ngayon nga naman, pahinga muna siya sa pagiging reyna ng MMFF.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING