Ai-Ai delas Alas, gagawin ang lahat para sa anak-anakang si Jiro Manio

Ai-Ai delas Alas, gagawin ang lahat para sa anak-anakang si Jiro Manio

Ai-Ai delas AlasTANGGAP NA raw ni Ai-Ai delas Alas na siya na talaga ang foster mother ni Jiro Manio.

Siya na nga ang nagpasok sa dating child actor sa facility para ipa-rehab at maganda naman daw ang kalagayan nito ngayon.

Dinalaw na nga siya ni Ai-Ai at maganda raw ang resulta ng mga tests niya, pero tuloy pa rin ang pagpapagamot sa kanya.

Sana raw mapabilis ang pagpapagamot nito dahil nagkausap na raw sila ni Jiro, alam niyang isa lang daw ang gusto niyang mangyari, na magkita sila ng tunay niyang ama.

Ipinagdarasal daw ni Ai-Ai sa Diyos na sana kakayanin daw niya itong bagong responsibilidad niya kay Jiro.

Sabi naman niya, total malalaki na raw ang mga anak niya may panahon na raw siya para alagaan si Jiro.

Ang isang pangako ni Ai-Ai kay Jiro, dadalhin daw niya ito sa Japan para makilala na niya ang tunay niyang ama.

Siyempre, hindi nga naman sure kung tatanggapin siya ng kanyang ama. Kaya sinabihan na raw niya si Jiro na huwag nang umasa na maganda ang pagtanggap sa kanya. Pagkatapos daw nilang magkita, saka nila pag-usapan kung ano ang balak nito. Kasi kahit si Ai-Ai, parang ayaw na rin niyang pag-artistahin si Jiro. Pero sana, magaling na magaling na raw ito para puwede na siyang makapagtrabaho kung saan siya pumuwede.

Abangan ang exclusive interview ng Startalk kay Ai-Ai at ang mga kuha niya sa loob ng facility nu’ng dinalaw niya si Jiro.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis