Ai-Ai delas Alas, estudyante sa La Salle ang bagong dyowa

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, estudyante sa La Salle ang bagong dyowa

Ai-Ai-delas-Alas-Gerald-SibayanNOONG UNA, naging blind item pa kung sino ang bagong love ng Comedy Box-Office Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Naghulaan ang mga bekis na nandoroon sa pa-birthday niya kay Mama Mary last September 8 na ginawa sa clubhouse ng Ayala Heights sa Quezon City na lagi-lagi, bilang devotee ng Virgin Mary, palaging may pa-birthday party ang komedyante sa Ina ng Lahat.

Pero dahil love at halos isang linggong hulaan kung sino ang masuwerteng binata (or shall I say masuwerte si Ai-Ai?); heto’t inamin na ng binata ang kanyang pagtangi sa komedyante.

Nagbigay pa nga ng clue noong una si Ai Ai na isang estuyante sa De La Salle University at isang badminton player ng eskuwelahan. Heto’t pinangalanan na ng Comedy Queen ang itinatangi ng kanyang puso ngayon.

ADVERTISING

Ang binata ay walang iba kundi si Gerald Sibayan, isang college dude na kumukuha ng Sports Management Course sa DLSU. Bagets na bagets si Gerald. Only twenty one years of age. Moreno, may pagkatsinito, gwaping at maganda ang postura.

Nakilala ni Ai si Gerald dahil siya ang tumatayong manager ng team ng binata kung saan sa DLSU din nag-aaral ang panganay na anak ni Ai na si Sancho.

Sa darating na November, Ai-Ai will turn 50 years old. Ibig sabihin, mga 29 years ang agwat nila ng kanyang boyfriend which is okey for us and not an issue. Ang bongga, si Gerald mismo ang unang umamin at nagpakilala na si Ai-Ai ang kanyang girlfriend.

After Ai’s bad marital experience with Jed Salang, she deserves to be happy. Ang haba ng hair ng ng lola mo. I’m happy for Ai-Ai sa new found love niyang ito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING