Ai-Ai delas Alas, ‘di pa rin naaagawan ng puwesto

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, ‘di pa rin naaagawan ng puwesto

Ai-Ai-delas-AlasTILA WALA nga yata talagang makaaagaw sa puwesto ni Ai-Ai delas Alas. Bukod sa katotohanan na siya lang ang katangi-tanging ina na may bagets na boyfriend sa showbiz na openly ay ipinagmamalaki siya, siya rin ang nag-iisang Box-Office Comedy Queen na hindi nakuha ng kaibigan niyang si Eugene Domingo ang korona.

ADVERTISING

Kaya naman kahit makailang ulit magkaroon ng sequel ang kanyang hit movie with Direk Wenn Deramas na Tanging Ina, walang sawa ang Star Cinema na i-produce pa rin si Ms. Ai-Ai sa seryeng pampelikula niya.

No doubt naman kasi na kumikita ang producer. Hindi magdadalawang-isip kung financier ka man ng pelikula ni Ai-Ai na kampante ka na mababalik ang puhunan mo dahil kikita ka.

Wala mang pelikulang pang-filmfest ang komedyante sa darating na MMFF 2014, getting ready naman siya sa kanyang pagbabalik-“ina” sa muling pagsasama nila ng Box-Office Director na si Wenn sa early part of 2015.

ADVERTISING

After the Christmas rush, magsisimula na sina Ai-Ai at Direk Wenn sa Tanging Ina series nila na ang-apat na kung sakali.

Last year, 2013, nakadalawa sila, pero dahil busy si Direk Wenn sa iba niyang mga pelikula, na-set aside ang pelikula.

Si Ai-Ai, super lucky sa personal niyang buhay ngayon lalo na sa kanyang career dahil sa kanyang bagong boyfriend, lalo pa’t wala man siyang MMFF 2014 entry, raratsada naman siya next month sa pelikula na pagsasamahan nila nina Kim Chiu at ang ka-loveteam niyang si Xian Lim para sa Star Cinema, ang Past Tense na showing sa November 26.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING