Ai-Ai delas Alas, ‘di na p’wedeng pag-usapan sa publiko ang tungkol sa kanyang dyowa

Ai-Ai delas Alas, ‘di na p’wedeng pag-usapan sa publiko ang tungkol sa kanyang dyowa

1 Ai-Ai-delas-AlasHAPPY SI Ai-Ai delas Alas sa pagpu-post ng mga litrato nilang kuha sa taping ng Let The Love Begin.

At least, puwede na niyang magpo-post ngayon dahil nakapirma na siya sa GMA 7.

Kahapon nga ay pormal na siyang winelcome sa Sunday All Stars.

Masayang-masaya siya dahil marami raw siyang kaibigang makakatrabaho na niya ngayon.

Isa na nga rito si Eugene Domingo na masayang-masaya sa pagbabalik niya sa Kapuso Network.

Isa lang naman ang pinagnanasaan ni Ai-Ai na makatrabaho eh, si Dennis Trillo.

Matagal na raw siyang nagnanasa kay Dennis, kaya sana makatrabaho raw niya ito.

Pagdating sa lovelife pala ay masaya naman si Ai-Ai dahil kasi-celebrate lang nila ng kanilang anniversary.

Pero hanggang do’n lang daw ang puwede niyang ikuwento dahil nangako na raw siya sa boyfriend niya na hindi na raw niya puwedeng pag-usapan sa publiko. Mananatiling sa pribado na raw ‘yon. Masaya na raw silang dalawa, hindi na puwedeng pag-usapan pa sa publiko.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis