Ai-Ai delas Alas, ‘di na naghahanap ng lalaki

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, ‘di na naghahanap ng lalaki

Ai-Ai-delas-AlasNAKA-MOVE-ON NA nga si Ai-Ai Delas Alas sa traumatic experience with her ex-husband. Mabilis niyang naayos ang divorce paper kaya single na uli ang magaling na comedianne. Ayon sa kanya, hindi pa siya ready for another relationship. Sobra raw siyang napagod sa pagmamahal na ibinigay niya sa kanyang ex-husband. Ini-enjoy muna Raw ngayon ni Ai-Ai ang pagiging single.

Hindi pa ready si Ai-Ai for another relationship. Hindi nga naman ganu’n kadali para agad-agad malimutan ang kanyang pinagdaanan sa tawag ng pag-ibig. Sobra kasi kung magmahal ang magaling na komedyana kaya’t masyado itong nasaktan. Ayaw niyang isipin kung may darating pang lalaki na totoong magmamahal sa kanya. “Hindi naman kailangang hanapin siya, kusa na lang ito darating kung talaga kayo ang itinakda ng tadhana,”matalinghagang wika ng box-office queen.

Nang tanungin si Ai-Ai tungkol kay Kris Aquino, biglang nagbago ang mood nito. Umiiwas na mapag-usapan ang Queen of All Media. Paulit-ulit na sinabi nito, “Puwede bang huwag na lang natin pag-usapan si Kris.” Knows naman natin may tampuhan pa hanggang ngayon ang dalawa. Kahit nga nagpakumbaba na si Kristeta sa show nila ni Boy Abunda at pawang papuri ang naging pahayag niya sa dating kaibigan. Tipong deadma lang si Ai-Ai, hindi nito naramdaman ang sincerity ni Kris. Ang pagkakaalam namin, nagsimulang mag-emote ang TV host nang maging malapit si Ai-Ai sa ex-husband niyang si James Yap nu’ng hindi pa magkasundo ang dating magasawa.

Kung gaano sinira-sirain ni Kris si James noon, super puri to the max kung ilitanya niya ngayon ang dating asawa. Kinain lahat ng TV host ang kanyang sinabi laban sa PBA player. Tuloy, nakuha ni James ang simpatya ng publiko.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING