Ai-Ai delas Alas, ‘di na magpapatalo sa bashers

Ai-Ai delas Alas, ‘di na magpapatalo sa bashers

1 Ai-Ai-delas-AlasTULOY ANG pag-post ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram account.

“Kasi naisip ko ang tanga-tanga ko bakit ako nagbura. Emosyonal ako, eh. Unang-una lumang tao ako, hindi ako sanay na sinisiraan ng kahit na sino. Sanay ako na isang tao lang ang naninira sa akin. Eh, ngayon kahit sino puwede,” say ni Ai-Ai sa contract signing niya sa GMA-7.

“Hindi nga kasi ako sanay, eh. Sanay lang ako sa diyaryo. Pero ngayon ay sambayanang tao ang naninira. Hindi naman authentic ang mga ‘yon, eh,” dagdag pa niya.

“Gawa-gawa nga kaya nga ibinalik ko na nga rin. Na-realize ko na mukha akong tanga. Bakit ako nagpatalo? Bakit ako nagpatalo, eh, unang-una hindi ko naman kilala ang mga ito,” paliwanag pa ng comedian.

Nag-taping kami sa baba. Sinamahan ko si Sancho. Sabi ko, ‘dito kami dati, sa “RSVP”. Ang saya lang.

True ba na tinanggihan niya ang Let The Love Begin?

“Hindi naman tanggihan. Hindi ko naman pina-revise ‘yung script na buo. Meron lang akong pinalagay na importante,” esplika ni Ai-Ai.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas