Ai-Ai delas Alas, ‘di magtatrabaho sa Dos hangga’t naroroon si Kris Aquino?

Ai-Ai delas Alas, ‘di magtatrabaho sa Dos hangga’t naroroon si Kris Aquino?

Ai-Ai-delas-AlasTOTOO KAYANG hindi na raw magri-renew si Ai-Ai delas Alas sa ABS-CBN?

Nakikinig na lang ako sa mga kuwento ng mga bakla!

Ayaw na raw niyang magtrabaho du’n hangga’t nandu’n si Kris Aquino? Bongga ha?

Kasi naman kahit nagkabati na sila sa wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na-feel ko na hindi na kagaya nang dati, eh. Hindi na mabalik ang closeness nila. Kaya siguro para hindi na lang magkaroon pa ng conflict, mabuting wa na lang siya sa Dos. Siyempre si Kris ang reyna du’n!

Ayaw namang magsalita ni Ai-Ai tungkol dito. Ilang beses siyang kinukulit ng Startalk na interbyuhin dahil may usap-usapang lilipat na siya sa GMA 7, pero ayaw talaga niyang magsalita. Hintayin na lang daw.

Mas busy siya ngayon sa mga anak niya, at nag-i-enjoy siya roon.

Naku! Kulitin ko nga uli ‘yan na mag-guest sa amin sa Startalk para malinaw na ang mga isyu.

Abangan n’yo na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis