Ai-Ai delas Alas, desidido nang pumasok sa pulitika

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, desidido nang pumasok sa pulitika

Ai-Ai-delas-AlasHINDI MASYADONG maingay ngayon ang showbiz career ni Ai-Ai delas Alas, dahil wala nga muna siyang pasabog na malaking project ‘tulad ng mga nagdaang panahon. Ang maingay sa kanya ngayon ay tungkol sa kanyang lovelife, dahil nabulgar na nga ang relasyon niya sa isang bagets na kaibigan ng kanyang anak. Nadala na rin naman kasi ang komedyana na masyadong naipangangalandakan ang kanyang pakikipagrelasyon, kaya preno-preno muna siyang magkuwento.

Nitong huli, hindi nagpapaapekto si Ai-Ai sa pambabatikos sa kanila nina Governor Vilma Santos-Recto at Congressman Manny Pacquiao ng mga pahayagan, na ano raw magiging kinabukasan ng pulikita kung tulad nilang mga taga-showbiz ang muli na namang mananalo sa susunod na halalan? Dahil para kay Ai-Ai, ang kanyang mga binitiwang salita tungkol sa kanyang planong pagpasok sa pulitika ay panimula pa lamang ng kanyang plano.

Ipinapangako naman kasi ni Ai-Ai na hindi siya basta papasok sa pulitika kung hindi niya napag-aaralan kung ano talaga ang kanyang papasukin. Sa totoo lang din naman kasi, kinukuwestiyon na kaagad ang puwedeng magawa ni Ai-Ai dahil artista siya. Pero ang hindi alam ng marami, kahit hindi siya pulitikong tao ay marunong na siyang gumawa ng pagtulong sa maraming tao na nangangailangan, at iyon ay hindi niya ipinagmamakaingay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING