Ai-Ai delas Alas at boyfriend na bagets, nagli-live in na?

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas at boyfriend na bagets, nagli-live in na?

Ai-Ai-delas-AlasHAY, NAKU! Keber ni Ai-Ai delas Alas kung binabato siya ng pang-aalipusta dahil bagets daw ang asawa niya!

Sabi naman niya, wala naman daw sa edad ang pag-ibig at masaya naman daw sila ng dyowa niya ngayon na si Gerald Sibayan.

Nu’ng nagpa-badminton nga ito nu’ng nakaraang Sabado, nandu’n ang dyowa niya na tumutulong sa pag-asikaso sa mga celebrities na sumali sa naturang pa-badminton sa Asuncion Badminton sa San Juan.

Napilitan akong pumunta dahil kailangan ko siyang interbyuhin, ha?!

ADVERTISING

Kaya abangan n’yo ‘yan sa second part ng anniversary episode namin sa Startalk.

Sabi naman ni Ai-Ai, ito ‘yung relasyon niyang walang pressure at basta ini-enjoy lang nila.

Kaya hindi raw nila pinag-uusapan dahil ayaw naman niyang mapasubo na naman sa mali.

Pero so far, happy raw siya. Pero saka na raw muna ang kasal dahil masayang-masaya naman silang dalawa.

Alam ko, nakatira na yata kay Ai-Ai itong boyfriend niya. Tingnan n’yo na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING