Ai-Ai delas Alas, bongga ang lovelife, bagsak ang career

Ai-Ai delas Alas, bongga ang lovelife, bagsak ang career

Ai-Ai-delas-AlasTULOY NA raw ang paglipat ni Ai-Ai Delas Alas sa GMA-7. Last year pa, matunog na ang balitang desidido na ang Comedy Queen na mag-over the bakod sa Kapuso Network. Ilang beses na ngang naisulat ang tungkol sa bagay na ito. Tinatapos lang ni Ai-Ai ang commitment niya sa ABS-CBN at patapos na rin naman ang kontrata niya this year 2015. Kung totoong lilisanin ng comedienne ang number one station, ibig kayang sabihin, walang contract offer na naganap between Ai-Ai at sa management ng Kapamilya Network?

Marami ang nagsasabing malaking factor si Kris Aquino sa naging desisyon ng komedyana na maging Kapuso na siya. Kahit nagkabati na sina Ai-Ai at Kristeta, pakiramdam namin, nagplastikan lang ang dalawa. Pakitang-tao para masabing okay na silang dalawa. Pero ang totoo, never na raw maibabalik ang kanilang friendship dahil nga sa mga issue na nangyari sa kanila in the past.

Hindi naging maganda ang 2014 para kay Ai-Ai, sunud-sunod ang mga pelikula niyang nag-flop sa takilya. Hindi naman idini-deny ng comedienne na may mga pelikula siyang hindi kumita at tanggap naman niya ito. Kung medyo down ang career ngayon ng magaling na singer-actress, bongga naman ang kanyang lovelife. Well, it’s about time na magbalik-tandem uli sina Ai-Ai at Wenn Deramas para makabawi ang Comedy Queen sa sunud-sunod niyang flop. Kailan naman kaya mangyayari ito, 2016?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield