Ai-Ai delas Alas, ayaw pang kumpirmahin ang paglipat ng network

Ai-Ai delas Alas, ayaw pang kumpirmahin ang paglipat ng network

Ai-Ai-delas-AlasHANGGANG SA ngayon ay usap-usapan pa rin ang paglipat nga ba ni Ai-Ai dela Alas ng kabilang network. From, Kapamilya to Kapuso.

Pero kapag tine-text namin ang Comedy Concert Queen ay hindi naman siya sumasagot kung kailan o ano ba ang susunod na mangyayari sa kanyang career.

Nang i-text nga namin siya kung kelan siya pipirma ng contract sa GMA 7 ay ito ang kanyang text; “heh heh wala pa o,” sabi niya sa text.

So, abangan na lang natin kung ano ang susunod na kabanata.

 

FINALLY, NAKITA namin si Rufa Mae Quinto last Friday nang manood kami ng “4 Da Best + 1” sa Music Museum. At doon ay ipinakita muli ng comedy actress ang kanyang husay sa pagpapatawa nang live. Nakipagsabayan siya kina Candy Pangilinan, Ate Gay, Gladys Guevarra, at Kim Idol.

At hindi pa rin nawawala ang kanyang kaseksihan at talaga namang yummy pa rin ang hitad.

Sa totoo lang, nasapawan niya ang ang ilang performers… sa true lang!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!