Ai-Ai delas Alas, ayaw nang maging mayor; kongresista na lang daw

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, ayaw nang maging mayor; kongresista na lang daw

Ai-Ai delas Alas, ayaw nang maging mayor; kongresista na lang dawBALIK-BANSA NA si Ms. Ai-Ai delas Alas matapos ang mabaha-haba ring bakasyon sa Tate kapiling ang mga anak na naka-base na roon. Gustuhin man daw ng sikat na komedyante na mag-stay pa sa piling ng mga anak, wala na siyang choice dahil kailangan na siya ng Star Cinema para tapusin ang pelikulang ilalahok sa darating na Metro Manila Film Festival.

Sa pakikipagtsikan ni Ai-Ai sa ilang press sa comedy bar, naitanong sa comedienne kung nagpunta ba siya sa Las Vegas?

Isang matikas na, “No!” ang nasambit ni Ai-Ai. Pagkatapos nga naman ng masakit na dinanas sa naturang lugar, kung saan siya ikinasal, parang na-trauma na siyang magpunta at makita ang lugar. Pero kung may offer daw na show sa Las Vegas na malaki ang talent fee, baka raw mapilitan siyang magpunta.

Medyo nakaka-move-on na si Ai-Ai dahil na rin sa suporta ng mga kaibigan at pamilya.

ADVERTISING

Kumusta naman ang balak niyang tumakbong mayor sa Batangas? Tuloy pa rin ba ito sa 2016 elections?

Hindi na raw siyang tatakbong mayor, mas gusto niyang tumakbong congresswoman dahil mas type niyang gumawa ng batas. Binasa raw kasi niya at pinag-aralan ang umiiral na batas tungkol sa mga babaeng biktima ng violence. Kulang na kulang daw ito sa ngipin bilang parusa. ‘Yun daw ang isa sa gagawin niya oras na maging final na ang desisyong tumakbong congresswoman.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING