Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, malabo pang tigilan ng intriga

Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino, malabo pang tigilan ng intriga

Kris-Aquino-Ai-Ai-delas-AlasKAHIT NAMAN sabihin ni Ai-Ai delas Alas na huwag na lang silang pagsabungin pa ni Kris Aquino lalo na ngayong nasa bakuran na siya ng GMA-7, hindi pa talaga iyon mangyayari sa ngayon. May kabuntot pa ang kanilang iringan, at iyon ay mangyayari sa kanilang pagtatapatan sa darating na Metro Manila Film Festival, kapag natuloy ang planong movie nila na muling pagsasamahan ni Vic Sotto. Makasasama rin daw riyan si Ryzza Mae Dizon.

Kasi nga, kung matutuloy at matatapos ang pelikulang gagawin nina Kris at Mayor Herbert Bautista na planong isali sa MMFF, at kasama riyan si Bimby Yap, sagupaan talaga ito sa takilya. Magiging napakaingay na sagupaan niyan, dahil kahit naman nagkabati kuno sina Ai-Ai at Kris sa kasalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi pa naman talaga sila okey. Pagdating sa komedya, tapatang Bossing Vic at Bistek ‘yan, na parehong komedyante. Hayan pa sina Ryzza at Bimby.

Parang may siyam na buhay ang career ni Ai-Ai. Ilang ulit na siyang binansagang ‘laos’ kapag wala siyang pelikula.  Marami siyang plastic na mga kaibigang nakadikit kapag meron siya. Pero kapag hindi bongga ang career ng komedyana, ‘laos’ na rin kung tawagin siya. Kapag natuloy at natapos ang project nila ni Vic, makababawi na naman si Ai-Ai. At kapag madatung na naman siya, ang dami-dami na namang mga plastic na kaibigang didikit at lalapit sa kanya. Lukresya si Ai-Ai sa kabaitan at pagiging mapagbigay kapag pinagpapala siya, kaya naman kahit nawiwindang ang career niya ay lagi pa rin siyang nakababawi.

ChorBA!
by Melchor Bautista