Ai Ai delas Alas at Ex Battalion, magsasama sa isang pelikula!

ADVERTISING

Ai Ai delas Alas at Ex Battalion, magsasama sa isang pelikula!

Ai Ai delas Alas at Ex Battalion, magsasama sa isang pelikula!
Ai Ai delas Alas and Ex Battalion with Viva’s Vic del Rosario

LAST FRIDAY evening ay nag-announce ang Viva Films na gagawa ng pelikula sa kanila ang Comedy Box-Office Queen na si Ai Ai delas Alas kasama ang mina-manage niyang rap group na Ex Battalion.

ADVERTISING

Sa katunayan, next month (July) ang simula ng shooting ng pelikula na isususulat ni Mel del Rosario sa direksyon ni Dado Lumibao.

Very manager si Ai Ai noong gabing yun. Alagang-alaga kasi niya ang grupo na itinuturing na rin niya na parang kanyang sariling mga anak.

I just wonder kung bakit simula today, Monday (June 4) sa ipinost niya sa kanyang socmed account na for bookings para sa mga alagang rap group ay iba na muna ang kontakin dahil naka-leave of absence siya for a month maging ang road manager ng grupo. Why kaya?

ADVERTISING

Anyway, sa nangyaring announcement last Friday sa naganap na Viva event na #VIVAIEX, madaming plano ang Viva at si Ai Ai sa mga alaga.

Ai Ai delas Alas at Ex Battalion, magsasama sa isang pelikula!
Ai Ai delas Alas

Target playdate ng pelikula ng komedyante at ang sikat na underground rap group na ngayon ay very sikat ay sa November of this year na anniversary month ng Viva at birthday month naman ng komedyante.

Bukod sa mga concerts, performances at ngayon nga ay ang pagpasok ng Ex Battalion sa pag-arte sa showbiz bilang mga artista ng pelikula nila with their “Mama Ai” ay papasukin na rin nila ang mundo ng page-endorse ng mga product. Yes, magiging commercial models na rin sila.

Ang Viva ang mamamahala sa mga inquiries for endorsements and TV commercials para sa EX B.

Ngayon na “very manager” na si Ai Ai: ”Abangan n’yo naman ang all-girls group na ilo-launch ko. Madami kasi sa mga clients na nagi-inquire na bukod sa EX Battalion ay kung may iba pa ako na mga talents,” sabi ng komedyante.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING