Ai-Ai delas Alas – Aljur Abrenica issue, so cheap!

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas - Aljur Abrenica issue, so cheap!

Ai-Ai delas Alas - Aljur Abrenica issue, so cheap!UMALIS AKO NU’NG Martes pa-Malaysia, nakakarating na sa akin ang mga kuwentong dumarami na raw ang mga taong nagka-kagulo daw sa tapat ng MTRCB dahil dumagsa pala roon ang supporters ni Willie Revillame at mga production staff ng Willing Willie.

ADVERTISING

Iyon ang araw ng hearing nila sa MTRCB, pero ang pagkakaalam ko, wala si Willie kundi ang mga abogado lang niya at ang business unit head nitong si Jay Montelibano.

Dumating din pala roon si Shalani Soledad para sumuporta, pero hindi rin daw siya nagtagal.

Ang pagkakaalam ko, wala pang napagde-sisyunan sa hearing na ‘yun at baka magkaroon pa ng isa.

ADVERTISING

Ang latest din na narinig ko, magdedemanda raw ang magulang ng batang si Jan Jan Suan laban sa child psychologist, kaya parang lalo pa yatang lumalaki ang isyung ito.

May mga iba pa ring patuloy na tumutuligsa kay Willie sa Twitter, kaya hintayin na lang natin kung itutuloy nga niya ang sinabi niyang mag-dedemanda siya sa mga tumitira sa kanya sa Twitter.

So far, wala pa akong nababalitaang may desisyon na ang MTRCB sa kasong ito ng Willing-Willie. Pero bilib ako kay MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares sa maayos niyang pag-handle sa kasong ito.

Hay, naku! Ang isa sa concern ko lang naman ay kung makakabalik pa ba ang Willing Willie pagkatapos ng Holy Week dahil magbi-birthday pa naman si Shalani sa April 27. Eh, gusto ko pa namang ma-celebrate ang birthday niya sa TV. Paano ‘yan kung wala pang Willing Willie? Tahimik lang na ise-ce-lebrate niya ang kanyang kaarawan.

NAKU, ‘DAY! KA-CHEAPAN naman itong kay Ai-Ai delas Alas naman ngayon nali-link si Aljur Abrenica.

Kasi naman, naintriga sila du’n sa huling interview ni Ai-Ai sa The Buzz na meron daw nali-link sa kanya ngayon na isang Kapuso star na nasa first alphabet ang name nito, at 20-25 years old na balak daw niyang bilhan ng kotseng Porsche.

Obvious na si Aljur ang tinutukoy, kaya nu’ng kinausap naman ng Startalk si Ai-Ai, natawa na lang ito. Parang pinalaki lang daw ‘yung usapang bakla nila na kung magkagusto raw siya sa isang lalaki, meron daw ‘yung tipong pang-Kia Pride lang, pero kung si Aljur, pang-Porsche na raw ‘yun.

Nilinaw naman ni Ai-Ai na hindi pa nga sila nagkikita ni Aljur. Nagtatawagan lang daw sila minsan o nagti-text pero wala pa raw pagkikita. Ilang beses na raw niyang naimbita sa show niya sa Zirkoh, pero hindi naman ito nakasipot.

Mabait naman daw ang young actor kapag nag-uusap sila at malay natin baka magkagustuhan sila. Pero malay nga natin baka ma-develop si Ai-Ai sa kanya at ma-pilitan itong bilhan niya ng Porsche.

Bongga talaga ang Box-Office Queen. Hindi kaya si Aljur ang escort niya sa awarding ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation, kung saan puputungan siyang ‘Box-Office Queen’?

Naku! Alam n’yo naman si Ai-Ai kung gaano kaluka-loka! Tingnan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING