Ai-Ai de las Alas, balak nang magpakasal? – Lolit Solis

ADVERTISING

Ai-Ai de las Alas, balak nang magpakasal? – Lolit Solis

HINDI KO PA nakakausap si Ai-Ai delas Alas kaya hindi ko natanong sa kanya kung totoo ba itong nakarating sa aking balak na raw nitong magpakasal?

ADVERTISING

Matagal na palang may karelasyon itong isang doktor na naging boyfriend na raw niya noon.

Hindi pa raw siya artista ay nakarelasyon na raw niya ito dahil taga-Batangas din ito.

Hindi naman sila nag-katuluyan, nagka-asawa na raw itong si doktor na napahiwalay rin at ang ending nagkita sila muli ni Ai-Ai.

ADVERTISING

Doon daw nabalik ang dating pagtitinginan at naging sila uli at napagdesisyunan na raw nilang magkasal.

Bongga ang lovelife ng hitad, ‘di ba?

Tahimik lang daw ito sa ngayon dahil natatakot na naman siyang baka maudlot na naman. Kaya naghihintay lang daw ito ng tamang panahon at i-announce naman niya sa balak nito.

Ang isa pa raw sa plano niya ay doon na sa Batangas manirahan at maaring mag-lie low na ito sa showbiz at gusto na sigurong magpaka-plain housewife na siya.

Abangan na lang natin kung may announcement nga ito at kung totoong sobrang happy nga ito sa kanyang lovelife.

Sana nga totoo na ito dahil kailangan naman ni Ai-Ai ng ka-partner sa buhay lalo na’t naglalakihan na ang mga anak niya.

SOBRANG GUWAPO NA ngayon ang anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz at lagi na niya itong dala-dala kahit saan siya magpunta.

Sinasanay na raw kasi niya sa mga tao si AJ dahil lagi lang ito sa bahay at tuwang-tuwa naman ang mga nakakakita sa kanya.

Pero tinitiyak siyempre ni Jennylyn na wala si Patrick Garcia para hindi nito ma-sight.

Sabi naman ni Jennylyn, hindi pa raw siya ready sa panahong iyun, bahala na raw ang Diyos pag dumating ang oras na iyun.

Nu’ng guest namin sina Jennylyn kasama sina Mark Herras at Pauleen Luna sa Startalk para sa promo ng Ikaw Sana, may mga nagte-text sa staff na  karelasyon pa rin daw ni Jennylyn ang MTV VJ na si Andrei Felix.

Consistent pa rin si Jennylyn sa pagtatanggi dahil magkaibigan lang daw sila ni Andrei.

Wala naman daw masama kung sila ni Andrei pero magkaibigan lang daw talaga sila at kung lumalabas man sila, kasama naman daw ang iba pa nilang kaibigan. Kahit nga si Mark ay kaibigan din daw nito si Andrei.

Bukod kay Andrei, naloloka na rin si Jennylyn sa hindi pa rin matapus-tapos na intriga nito kay Sen. Bong Revilla.

May nagsulat pang madalas daw ito sa opisina ni Sen. Bong sa senado. Parang hindi naman totoo ‘yan. Eh, di sana napag-usapan pa ‘yan sa senado, ‘di ba?

Kahit nga si Sen. Bong ay nagulat din sa intrigang iyan dahil hindi na nga raw niya nakikita si Jennylyn o nakakausap man lang. Kaya obvious na paninira lang daw sa kanya ang ganu’ng intriga.

Ngayong madalas na magkasama sina Jennylyn at Mark sa taping ng Ikaw Sana, posibleng magkabalikan pa sila dahil naging close na naman sila ngayon.

Pero ayaw naman nilang pag-usapan pa ito at baka isipin lang na publicity ito sa bago nilang primetime series.

Ngayong araw na nga magsimula itong Ikaw Sana bago mag-24 Oras na kapalit sa katatapos lang na All My Life.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING