Ahron Villena, nabawi ang na-carnap na kotse makalipas ang 6 na taon

ADVERTISING
Ahron Villena's Instagram Post
Ahron Villena’s Instagram Post

Hindi na inakala ni Ahron Villena na maibabalik pa sa kanya ang na-carnap na kotse, anim na taon na ang nakalilipas.

Taong 2010 nang mawala ang kanyang kotseng Avanza nang ipagamit niya ang sasakyan sa isang rent-a-car company.

ADVERTISING

Ayon sa Instagram post ni Ahron Villena noong Biyernes, February 26, natagpuan ng mga taga-Higway Patrol Group sa Cebu ang kanyang kotse. Kuwento pa niya sa kayang post, “Sa totoo lng po, naka-move on na ako sa pagkawala nitong Avanza ko. 2009 ko po siya nabili nagamit ko po siya for one year. Binili ko po iyang sasakyan na iyan para gawing taxi pero hindi ko na siya umabot kasi na-carnap na siya ng 2010.”

Ikinuwento rin niya kung paano niya nabawi ang nasbaing sasakyan: “At finally after 6 years, nakita siya dito sa HPG Sitio Sudlon, Lahug, Cebu City, at taxi na siya dito. Kaya po ako pumunta dito sa Cebu ay para makita ko kung yun nga ang nawala kong sasakyan. Salamat po sa lahat ng bumubuo ng HPG Lahug Cebu. Iba kayo!”

By Parazzi Boy

ADVERTISING
ADVERTISING