Agot Isidro, tinawag na ‘psychopath’ si Presidente Rodrigo Duterte

ADVERTISING

 alt=

Agot Isidro’s Facebook post
Agot Isidro’s Facebook post

Naka-private na ang isang Facebook post ng singer-actress na si Agot Isidro at hindi na makita sa kanyang timeline, kung saan tinawag niyang ‘psychopath’ o wala sa katinuan si Presidente Rodrigo Duterte.

Biyernes, October 7, nang maglitanya si Agot sa kanyang wall kalakip ang link sa online article ng rappler.com na “Duterte to EU, US: Withdraw aid, we will survive”.

Inilabas ni Agot ang kanyang galit at pagkainis sa sinabing ito pangulo. Aniya, “Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway.

“Pangalawa, ‘yung bansa kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World.

ADVERTISING

“Kung makapagsalita ka, parang superpower ang Pilipinas, eh. At excuse me, ayaw naming magutom. Mag-isa ka na lang. ‘Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.

“Pangatlo, may kilala akong psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.”

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING