Agot Isidro, nakatikim ng masakit na salita sa twitter!

ADVERTISING

 Agot Isidro, nakatikim ng masakit na salita sa twitter!

 Agot Isidro, nakatikim ng masakit na salita sa twitter! “NAKAPAGSASA-LITA SIYA, nagpapatawa pa nga, eh!

Ganito kung ilarawan ni Epi Quizon ang kanyang amang si Dolphy, exactly a week ago when sighted at the Star Awards for Movies. Mukha kasing of all the Quizon children active in showbiz, Epi’s accessibility is because of his visibility.

Sa kuwento ni Epi, bagama’t prone ang kanyang ama sa pneumonia ay maingat naman ang mga bumibisita rito sa kanilang bahay. Kahit ‘yung may konting ubo’t sipon lang ay bawal dumalaw as any slight viral infection may trigger Tito Dolphy’s health discomfort.

Hangga’t maaari, Epi would not make any disclosure kung ano talaga ang karamdaman ng ama, “I’m not in a position to tell, mabuti pa, ask Eric (Quizon) or si Zsa Zsa (Padilla, Dolphy’s live-in partner).” Unawain na lang daw ang kanyang tatay who is 83 years old, na natural na nakararanas ng panghihina na rin ng katawan.

ADVERTISING

If Epi had his way, he would not allow his dad to go back to work anymore. “Papalag na ‘ko ‘pag bumalik pa siya sa trabaho, although minsan, gusto kong sabihin sa kanya, ‘Dad, ‘lika, trabaho tayo,’ alam ko naman kasi na nami-miss niya  ‘yung dati niyang ginagawa.”

All praises naman si Epi sa ginagawang pag-aasikaso ni Zsa Zsa sa kanyang ama. At a recent event, Zsa Zsa confessed to holding back her emotions sa harap mismo ng kanyang kinakasama. Ganoon din ba silang mga anak ni Tito Dolphy?

“Hindi naman talaga ako nagpapakita ng emotions ko, eh. I’m very secretive when it comes to that,” pag-amin ni Epi.

Here’s hoping that with Epi’s revelations ay mahihinto na ang mga ispekulasyon kaugnay ng kalagayan ng nag-iisang Hari ng Komedya. Long live the king!

 

IF THERE is one important lesson that Agot Isidro may have gleaned out of tweeting, ‘yun marahil ay ang paggamit sa social media na ito kaakibat ang responsibilidad.

In her recent tweet, pinatungkulan ng singer-actress si Grace Ibuna. It was shortly after Grace guested on The Buzz kung saan isiniwalat niya ang matagal nang kinikimkim na damdamin nang mamaalam ang kanyang live-in partner na si dating Congressman Iggy Arroyo.

Agot, instead of being sympathetic to Grace’s plight, tweeted: “Kabit ka pa rin.” Umani ng maraming komento sa Twitter ang tinurang ‘yon ni Agot, but she only refrained from making any further tweets nang may mag-post ng ganitong sagot patungkol sa kanya: “At least, hindi siya (Grace) baog!”

Need we say more?

 

ESPESYAL ANG Wednesday episode ngayon (as well as this coming Friday) ng Face To Face bilang pagdiriwang ng pre-anniversary ng naturang talakserye ni Amy Perez. Pinamagatang GRO Na Mahilig Sa May Sabit, Sariling Dugo’t Laman Ang Nakalawit!, first time on TV na ang ganitong tema ay inaprubahan ng MTRCB.

Kuwento ito ni Salve, isang bagong salta sa lugar kung saan halos ipako na siya ng kanyang mga kapit-bahay sa pangangalakal ng kanyang laman. Pero ang pinakasensitibong parte ng kanyang trabaho ay nang matuklasan niya na ang kanyang sugar daddy ay mismong ama pala niya! Ang ina ni Salve na si Mina ay nabuntis ni Crisanto na isa sa kanyang mga paro-

kyano.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING