Aga Muhlach, tinanggap ang hamon ni Lea Salonga

ADVERTISING

Aga Muhlach, tinanggap ang hamon ni Lea Salonga

Aga-MuhlachNA-UPLOAD ANG video ni Aga Muhlach na tinanggap ang hamon ni Lea Salonga to take the world famous Ice Bucket Challenge na isang act of charity para maka-raise ng funds para sa sakit na ALS (Amyothropic Lateral Sclerosis).

Take note, hindi lang nagpabuhos ng ice cold water si Aga kundi nag-donate pa siya ng $100 para sa ALS organizer.

Bago nagpabuhos si Aga sa kanyang anak na si Andres, inindorso niya sina Batangas Governor Vilma Santos, Richard Gomez at ang kanyang wife na si Charlene Gonzales-Muhlach na mag-ice bucket challenge din at magdonate for ALS organizer.

More than $50 million na pala ang nalilikom ng ALS organizer dahil sa patuloy ng naturang ice bucket challenge sa buong mundo.

ADVERTISING

We heard na pati si Pambansang Kamao Manny Pacquiao ay hinamon ng kanyang makakalaban sa boxing na si Algerie na magaganap sa Macau sa November ng ice bucket challenge.

Walang pang confirmation kung tinanggap ni Pacman ang ice bucket challenge pero ang sigurado ay maglalaban sila sa ibabaw ng ring whatever happened.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING