Aga Muhlach: ‘Tigilan na natin yang dibisyon ng mga artista’

ADVERTISING
Leo Bukas

Ayon kay Aga Muhlach hindi niya ini-expect na makakatrabaho ang ilang noted Kapamilya stars na para sa isang TV shows na mapapanood sa TV5 simula Oct. 24.

Aga, together with Matteo Guidicelli, Kim Molina and Cristine Reyes will be juding the celebrity contestants in the program Masked Singer Pilipinas  hosted by Billy Crawford at handog ng Viva Entertainment na nakipag-partner sa TV5.

ADVERTISING
Aga Muhlach: ‘Tigilan na natin yang dibisyon ng mga artista’
Aga Muhlach

 “Sabi ko nga, dito rin pala kami magkikita-kita lahat. Ha-ha-ha. Biro lang. I’m happy to be here again,” masayang pahayag ni Aga sa virtual media conference na ipinatawag ng Viva.

 “I’m happy to work with Billy, Matteo, Cristine and Kim. We just want to have fun, and magpapasaya sa lahat ng mga manonood. Para maiba naman para masaya ang lahat.

“Wala naman akong kayang ipagmamalaki dito kundi mag-enjoy din lang. I’m excited to work with Billy again and with Matteo and Kim na first time to work with and with Cristine na gagawa uli kami ng movie. It’s a friendly environment lang,” dagdag niya.

ADVERTISING

Idinagdag din ng award-winning aktor at dating Kapamilya na sa panahon ngayon ay hindi muna dapat iniisip ang network war o kumpetisyon ng mga artista.

Ani Aga, “Ito ‘yung noon ko pa sinasabi, dapat hindi divided ang mga artista, sama-sama lang lahat. Dapat always welcome ang lahat.

Aga Muhlach: ‘Tigilan na natin yang dibisyon ng mga artista’
Masked Singer Pilipinas’ Aga Muhlach, Kim Molina, Billy Crawford, Cristine Reyes and Matteo Guidicelli

 “And ang sa akin, sa lahat ng mga taga-ABS-CBN, galing din ako riyan, nagpunta rin ako ng TV5, sa mga nangyayari sa ABS-CBN, ‘wag ninyong maramdaman na iba kayo rito, dapat pare-pareho tayo. Magkakasama tayo sa industriyang ito. Iisa ang ginagalawan natin.

 “Tigilan na natin ‘yang dibisyon ng mga artista.  Kung sama-sama tayong nagtatrabaho, mas gaganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi magkakahiwalay.”

Tayong nasa entertainment industry, may kapuso, may kapamilya, may kapatid, it’s about time na tigilan na ‘yan. Kaya maiisip mo,  kung minsan salamat din sa Covid sa nangyayaring ito, eh. Kasi ngayon magkakasama tayo, Nasa TV 5 tayo kasi ito ‘yung show.

“Kapag nagkaroon din ang GMA ng show, magkakasama rin tayo, bakit hindi? Sama-sama lang, sana ganoon,” hopeful niyang reaksyon.

ADVERTISING