Aga Muhlach, nagbigay-pugay kay Direk Maryo J. delos Reyes: Kung sino ako ngayon dahil yon sa kanya!

ADVERTISING

Aga Muhlach, nagbigay-pugay kay Direk Maryo J. delos Reyes: Kung sino ako ngayon dahil yon sa kanya!

Aga Muhlach, nagbigay-pugay kay Direk Maryo J. delos Reyes: Kung sino ako ngayon dahil yon sa kanya!
Aga Muhlach at Direk Maryo’s wake

AMINADO si Aga Muhlach na wala siya sa showbiz industry ngayon at hindi siya makikilala kung hindi dahil kay Direk Maryo J. delos Reyes. Ipinagpapasalamat niya nang husto sa yumaong director ang break na ibinigay sa kanya nito sa pelikulang Bagets noong 80s.

ADVERTISING

“Kung sino ako ngayon, do’n nag-umpisa lahat yan kay Maryo delos Reyes when we did Bagets,” simulang pahayag ni Aga sa burol ng batikang director sa Loyola Memorial Chapel sa Commonwealth, Quezon City

Patuloy ni Aga, “And from then on, like the rest is history and heto na po ako ngayon.

“During my time in the 80s na parang medyo nagrerebelde-rebelde ako and Maryo was always there and he will just pick up the pieces for me,” pagre-recall pa ng aktor.

ADVERTISING

Ayon pa kay Aga, mga 8 o 9 na pelikula rin ang nagawa niya kay Direk Maryo. Balak niya sanang kausapin ang director para sa pelikulang niyang ipo-produce niya sana.

“It’s just unfortunate that two weeks ago gusto ko siyang tawagan para makagawa kami ng pelikula and then this happened. But I’m just happy na nung nawala siya he was  still that Maryo delos Reyes na walang sakit, walang dinadamdam, hindi siya bed-ridden,  namayat  o naghirap.

 “Direk Maryo, maraming-maraming salamat. Rest in peace. Sayang kasi we were suppose to do…  I was going to offer him a movie sana na akong ang magpo-produce at siya ang magdidirek sa akin kaya lang hindi umabot,” emosyonal niyang pahayag.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING