Aga Muhlach, lilipat na sa Siyete? – Eric Borromeo

ADVERTISING

Aga Muhlach, lilipat na sa Siyete? - Eric BorromeoAga Muhlach, lilipat na sa Siyete? - Eric BorromeoTOP ACTOR AT prized talent ng ABS-CBN, mag-oober da bakod sa GMA-7? And, yes, he’s no less than Aga Muhlach. Isang taga-Kapuso ang unang nagbalita sa amin niyan. Aga is being tapped to host Family Feud, sabi pa ng aming source. Magiging busy na kasi si Richard Gomez sa kanyang pagpasok sa pulitika, running for congressman sa Ormoc City. At si Aga raw ang bagay na bagay sa hosting job ng game show na babakantehin ni Goma.

Actually, inside buzz pa lang ang balita. Hush-hush. Then a source from ABS-CBN confirmed that Aga will be hosting the said game show. Any day now, magsisimula na raw ng taping ang prized talent ng Kapamilya.

ADVERTISING

Wala namang TV project si Aga sa ABS-CBN. Usap-usapan pa lang din ang movie team-up nila ni Angel Locsin. For sure, very much welcome addition sa roster ng talents ng GMA TV network si Aga.

[ad#post-ad-box]

Mukhang ‘jumping heads’ season ngayon. ‘Heard na ilan pang top talents both from Kapamilya and Kapuso network ang magri-rigodon.

NAKAKUWENTUHAN NAMIN ANG parent ng isang talent ng Star Magic, sabi nito, sana raw ay huwag banggitin ni Kris Aquino na ang buong talent management ng ABS-CBN ang sumusuporta kay Noynoy Aquino. Hindi naman daw lahat ng talent ng Star Magic ay pro-Noynoy. Kaugnay ito ng dinner na in-organize ni Kris kamakailan sa ilang talents ng Star Magic para makilala nila nang personal ang kapatid ng TV host na presidentiable.

ADVERTISING

Ang worry kasi ng parent na nakausap namin, may mga kandidato rin silang sinusuportahan hindi lang dahil kinuha silang endorsers kundi dahil kaibigan nila ang mga ito.

“Pero, honestly speaking, itong coming election period lang din naman makababawi ang mga anak namin, lalo na ‘yung hindi naman gano’n karami ang project sa ABS-CBN,” sabi pa ng nakausap naming worried parent.

Oo nga naman!

BLIND ITEM: DATING pasaway, ngayon ay ‘pa-mhin’ na. Produkto ng talent reality search ang young actor. Ang nag-share ng sikreto ng ating bida ay ang isa sa kagrupo niyang ‘closet gays’ sa gym kunsaan nagwo-workout ang young actor.

Maganda na ang katawan ngayon ng ating bida. At tumangkad na siya. Kung masasalubong n’yo siya, malamang, e hindi n’yo siya agad na makikilala.

Bore Me!
by Erik Borromeo

ADVERTISING