Aga Muhlach, isang rebeldeng aktor!

ADVERTISING
RK Villacorta

EDAD 50 na si Aga Muchlach na bida na sa pelikulang Nuuk ni Direk Veronica Velasco. Kapareha ng aktor si Alice Dixson.

At his age, si Aga naman ay may active lifestyle. Makikita mo naman sa mga social media posting niya o kadalasan sa pagse-share ng misis niya na si Charlene Gonzales ang mga aktibidades ng mister tulad ng pagmo-motorbike kung saan-saang bahagi ng Pinas.

Aga Muhlach, isang rebeldeng aktor!
Aga Muhlach

Sa media launch ng pelikula nila last Monday sa Discovery Suites, isa sa naging topic ng tsikahan with the actor ay noong nagre-rebelde siya sa early years ng showbiz career niya.

Naalala pa ni Aga na during his younger years ang tag sa kanya ay “Rebel Kid” na during the height of his career, deadma siya kung sisiputin man niya ang isang press conference ng pelikula niya or darating man siya ay naka-shorts lang at hindi bihis or pinaghandaan ang event at kung sisiputin man niya ay nagmamadali siya na lumayas.

“Those were the time na wala pa ako focus sa career ko nun,” kuwento ni “Morning”( tawag namin sa kanya) bago siya humarap sa open forum ng pelikula nila ni “Dikya (Alice) na kinunan pa sa Nuuk, capital city ng Greenland na napagaalaman namin ay territory pala ng bansang Denmark.

ADVERTISING
Aga Muhlach, isang rebeldeng aktor!
Aga Muhlach and Alice Dixson

Bago pa man naging aktibo muli ang aktor sa kanyang “second coming”  sa showbiz, mas nauna pala itong pelikula na in-offer sa kanya bago pa man niya ginawa ang Seven Sundays nina Dingdong Dantes, Enrique Gil at Cristine Reyes na sinundan ng pelikula nila ni Bea Alonzo na partly naman nag-shoot sa Vancouver, Canada.

At 50, ibang Aga na nga siya. Chill. Cool lang na malayo sa kung sino man siya noon na magkaibang-magkaiba.

At this time of his career, sabi niya, ang hanap niyang movie projects ngayon ay ‘yong kakaiba na. Kahit daw mag-romcom siya muli siya ay okey lang basta iba.

ADVERTISING