Aga Muhlach, ‘di totoong lilipat sa Siyete

Aga Muhlach, ‘di totoong lilipat sa Siyete SARI-SARING IMPORMASYON ang nakalap namin kahapon tungkol sa napapabalitang paglipat di umano ni Aga Muhlach sa GMA-7. Kinumpirma ng isa naming kaibigan na malapit sa manager ng aktor na si Manay Ethel Ramos, na nakipag-meeting na raw sa mga bossing ng Siyete si Aga noong Huwebes. Hindi lang maibigay sa amin ng aming source ang detalye ng kanilang mga pinag-usapan. At kahapon naman, Lunes, isang text message mula sa isa na naman naming kaibigan ang nagpadala ng impormasyon na kumpirmado na raw na lilipat si Aga sa kabilang istasyon, bagay na kinumpirma daw ng isang empleyado ng ABS-CBN. Hindi agad kami naniwala sa mga nakuha naming kuwento, kaya nagtanong pa kami sa ilan pang mga taong malapit sa kampo ni Aga, para alamin kung may katotohanan nga ba ito.

Ayon sa aming kaibigan na malapit na malapit kay Aga, hindi raw totoo ang balita. In fact, kasama pa raw ng aming source si Aga at ang manager nito kamakailan at iyong topic na iyon ay isa sa kanilang mga napag-usapan. “Not true MJ. I was just with him and Tita Ethel”, text message na pinadala sa amin ng aming source. May nagsabi pa sa amin na matapos daw ang meeting ni Aga nu’ng Huwebes sa GMA ay tumuloy pa ito sa ABS-CBN para mag-shoot ng station ID.

[ad#post-ad-box]

Posible kayang ang pinag-meetingan lang ay para sa isang possible movie project? Ano sa tingin n’yo? May tsika pang si Aga raw ang papalit kay Richard Gomez sa pagho-host ng Family Feud habang naka-leave ito para sa pangangampanya.

Mas paniniwalaan namin ang aming source, dahil talagang “tried and tested” na malapit ito kay Aga Muhlach. At kung totoo man o hindi ang mga balita, mas gugustuhin din namin siyempre na marinig ang mga sagot mula mismo kay Aga.

DAGSA NAMAN ANG mga reaksyon na nakuha namin sa aming programang Wow Ang Showbiz! na araw-araw ninyong mapakikinggan sa DWIZ, 11 A.M. hanggang 12 ng tanghali, nang magpa-survey kami tungkol sa sinabi ni Kris Aquino na si Kim Chiu ang pinakasikat na artista ngayon.

Marami ang sumang-ayon, pero mukhang mas marami ang sumalungat. Lalo na ang mga fans ni Sarah Geronimo na sinabing kung endorsement at endorsement lang daw ay talbog na si Kim ni Sarah. Sinabi rin ng fans at listeners na kailangang may mapatunayan muna si Kim sa pelikula, dahil ang ilan sa mga movies nito noon ay hindi masyadong tumabo kumpara sa back-to-back romantic movies nina Sarah at John Lloyd Cruz.

Hindi rin nagpatalbog ang mga fans ni Angel Locsin, lalo na ang Angel Locsin Texters Clan, na talaga namang nagpakita rin ng suporta para sa kanilang idolo. Naloka lang din kami sa balitang lumabas na bibili ng mamahaling property sa Quezon City si Angel na halos 50 million ang selling price. May nagtsika rin sa amin na ang binili nitong property sa San Juan Batangas ay paid na raw in “cash”! Bongga si Angel ha! Maraming pera! Kasi naman, ‘no, mabait at maganda ang puso ni Angel sa pagtulong sa iba, kaya naman ang good karma ay nagbabalik din sa kanya ng grasya! Doble-doble pa! Sana maambunan din tayo!