Aga Muhlach at Edu Manzano, ‘di uubra kina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon!

ADVERTISING

Aga Muhlach at Edu Manzano, ‘di uubra kina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon!

Aga Muhlach at Edu Manzano, ‘di uubra kina Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon!OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! Yes na yes to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly na talaga namang alive and kicking! At siyempre ngayon, nagbi-beauty rest ako sa Cebu at nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sa ‘kin diyan, at talaga namang welcome na welcome kami.

ADVERTISING

At kahit nasa Cebu ako, ‘di pa rin ako pahuhuli sa mga chikka, dahil talaga namang maloloka ka talaga sa Earth! Bali-balita ngayon na si Aga Muhlach at Edu Manzano daw ay mukhang nagbabalak tapatan sina Tito, Vic & Joey. Naku, ‘te… alam naman talaga siguro ng buong madlang pipol na kahit sino pang tumapat sa kanilang tatlo, hindi mo talaga matatapatan ‘yan dahil super tagal na niyan.

Kung natatandaan n’yo pa nga noon, kahit ang samahang APO ay tinapatan din sina Tito, Vic & Joey, at hindi rin tumagal. Marami nang noontime shows ang nagbalak tapatan ang tatlo, kaya lang naman talaga, hindi sila nag-rate.

Kaya kung ako sa inyo, pag-isipan n’yong mabuti. Kung si ano nga, hindi ko na lang babanggitin ang pangalan, pero alam n’yo na kung sino ang tinutukoy ko, umatras siya kasi mukhang hindi niya talaga kinayang talunin sa ra-tings ang tatlo, ‘di ba?

ADVERTISING

Maloloka ka talaga sa Earth! Kaya abangan na lang natin ‘yang mga ganyang eksena, kung itutuloy pa ba nila o wititit na… pak!

 

AT HETO NAMAN ang isa pang chikka na talaga namang nakakaloka!

Naaalala n’yo nu’ng nakaraang chinika ko sa inyo na itong si Manny Pacquiao na nagbabalak-tumakbo sa mataas na posisyon? Ang sagot niya rito ay joke lang daw!

Naku naman, ‘te… nagbibitaw siya talaga ng salita tapos ngayon joke na lang daw?! Hahaha! Naloloka kasi talaga ako sa kanya, kaya hindi ko pa rin siya tinatantanan. Na talaga namang kahit daw pagiging judge sa Miss Universe, nais niya ring ma-ging isa sa mga maging hurado du’n. Kaya lang, ‘di siya pinansin ng mga tao du’n. Nakakaloka lang, ‘te… pati ba naman ‘yun, papasukin mo pa?!

Siyempre naman, hindi naman siguro porke’t kilala ka at marami ka nang napatunayan sa ating bansa, credible ka na bi-lang maging isang hurado. Baka naman ‘pag nakita mo ang mga contestant ay matulala ka na at hindi mo alam ang gagawin mo? Hahaha! Nakakaloka ka naman talaga… mag-focus ka na lang kasi kung anong meron ka! Pak! Hahaha!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya talaga itong TV host actress na ito na talaga namang maloloka ka rin sa Earth? Sa dinami-rami kasi ng naging jowa niya, mukhang ‘di tumatagal ang mga boylet sa kanya, dahil sa pagiging attitude problem nito.

Naku, ‘te… hanggang ngayon, feeling niya ay bagets pa siya at feeling niya ay 16 years old pa lang siya. Ayaw niya talagang magpatawag na misis… hahaha! Nakakalurki! Another pak na naman!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING