Aga Muhlach and Charlene Gonzales, perfect match!

ADVERTISING

 

 Aga Muhlach and Charlene Gonzales, perfect match!

ADVERTISING

 Aga Muhlach and Charlene Gonzales, perfect match!  NAKAKATUWANG PANOORIN ANG mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales when the actor appeared on The Buzz to ce-lebrate his wife’s 37th birthday. For a change ay si Aga naman ang tumayong interviewer at si Charlene ang sumalang sa hot seat sa segment niyang Straight from the Heart.

Although they have been married for almost 10 years, para pa rin silang bagong kasal. During the interview, you could see in their facial expressions and body language na kinikilig silang dalawa sa isa’t isa. Hindi ba nakikita sa aura ng isang tao kung masaya siya inside-out? At hindi ito kayang pantayan o bayaran ng kahit anumang kayamanan sa mundo. Undoubtedly, Aga and Charlene are a perfect match. They are blessed with wonderful twins Atasha and Andres na habang lumalaki ay lalong nagiging kamukha ang kanilang magulang.

Noong una ay akala ni Charlene na nagbibiro lang si Aga during the segment when he asked, “Anong feeling talaga na napapansin nila iyong trabaho mo, iyong dedication mo, anong feeling mo? How does it feel?” Kaya para patunayan na hindi ito joke ay kinuha ni Aga ang kanyang cue card from one of the staff. “Ayaw maniwala, ha? Ayaw niya maniwala. Gusto niya Aga Muhlach with cue cards. Game.”

ADVERTISING

Charlene answered, “Okay seriously, kasi alam naman ng asawa ko how much I love my work and he sees that it’s a big sacrifice para sa family natin na pagdating ng Saturday and Sunday, you leave me alone, you give me time to really know my material. Ngayon pa lang, nagpapasalamat ako sa iyo because that’s a very big sacrifice on your part at sa mga anak natin.”

Tanong ulit ni Aga, “Ten years na tayong magkasama, gusto ko lang malaman, probably gusto nilang malaman, kung kailan ka huling kinilig? Not necessa-rily sa akin, kunwari sa buhay?” At ang nakakakilig na sagot ni Charlene, “Kanino pa ba? Ito ngayon.”

Aga asked Charlene what would usually occupy her mind before going to sleep. Walang kagatul-gatol niyang sagot, “Ang bangu-bango ng asawa ko at ang guwapo niya.”

“Hindi, of course, alam mo naman ito na araw-araw talaga nagpapasalamat ako sa Diyos that He gave me a good husband like you and wonderful children. Alam mo iyan. Araw-araw pinag-uusapan natin iyan that it is our dream to really make what we have worked. At iyon ang unang priority natin talaga sa buhay.”

Ano pa ba ang wishes ni Charlene sa kanyang buhay? “I stopped wishing a long time ago. All I do is dream because when you dream, you live life with no expectations. And when you dream, that’s what motivates you and inspires you to become a better person. At kung anuman ang dumating sa buhay mo, you will always appreciate and accept everything and be grateful for whatever life has in store for you. So, hindi na ako nagwi-wish ng kahit ano pa.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING