After their Twitter break-up: Rhian Ramos will sue Mo Twister?!

ADVERTISING

After their Twitter break-up: Rhian Ramos will sue Mo Twister?!

After their Twitter break-up: Rhian Ramos will sue Mo Twister?!NASA HULI TALAGA ang pagsisisi. Ganito ang nararamdaman nga-yon ni Mo Twister kaugnay ng pakikipagpalitan niya kay Rhian Ramos ng mga hindi magagandang mensahe sa Twitter bunsod ng hindi nila pagkakaunawaan na humantong sa kanilang break-up.

ADVERTISING

Abut-abot man ang pag-hingi ng tawad ni Mo sa pagkakamaling nagawa, tila wala na itong maitutulong pa para magkaayos at magkabalikan sila. Lalo pa’t balitang nakaapekto nga raw nang husto sa wholesome image ng dalaga ang mga tweet ni Mo na may nababanggit pang toothbrush at hibla ng buhok na naiwan sa banyo, and something like – I miss sleeping beside you. Ang naging dating kasi nito – nagli-live in na sila.

At dahil dito, usap-usapang plano yata ni Rhian to take legal action against Mo. Kinuha na nga raw ng young actress si Atty. Lorna Capunan bilang legal counsel nito.

Si Mo naman, gulat na gulat sa naging takbo ng mga pangyayari kung paanong ang simple at minor na misunderstanding nila ni Rhian ay nauwi sa magulo at malaking isyu na hahantong pa nga yata sa demandahan. At mariin din nga niyang itinatanggi na they’re living in together na bago sila nag-break.

ADVERTISING

“’Yong mga nasa tweet ko, it’s not as bad as ‘yong mga tao parang feeling nila nagli-live in kami and stuff like that. It really is just – we spent so much time together. Kung mga freetime ko o freetime niya, magkasama kami.

“Mangyayari iyon kung halimbawa kailangan niyang mag-tooth brush. Na minsan lumalabas kami tapos may garlic ‘yong kinain namin tapos – puwede maki-toothbrush. Na, o sige bilihan na lang kita ng toothbrush. Hindi naman ibig sabihin no’n nagli-live in na.

“Naiintindihan ko naman kung bakit ang mga tao ay ia-assume iyon sa nai-tweet ko. At do’n ako medyo sorry at regretful.”

Nananatiling wala silang communication ni Rhian. Wala na raw itong cellphone sapul no’ng nagkaroon sila ng misunderstanding hanggang may mabasa nga siyang tweet ng young actress sa kanya na break na sila. Kaya nga ang Twitter daw ang naging medium niya para maiparating sa dalaga ang mga gusto niyang sabihin. Na ang iba nga sa mga nasabi niya, dala nga ng galit ay hindi maganda.

Pero ayaw nang tukuyin pa ni Mo kung ano talaga ang naging cause ng kanilang break up. Kahit anong pa-ngungulit ng press sa kanya, tikom ang kanyang bibig.

Iniisip ng iba, baka naman may third party? Baka may ibang admirer o suitor si Rhian na pinagselosan niya? O, ‘di kaya, siya ang nabuking ni Rhian na may kinakalantareng iba?

“No. I think if you know me and how much I love Rhian, you’ll realize that I will never do that to her.”

Ipaglalaban pa rin niya ang pag-ibig niya kay Rhian?

“I don’t know. I’m just lost now. And… ‘yon nga, medyo nahihirapan akong kumain… matulog.”

Until when niya titiisin na ganito ang situwasyon nilang dalawa?  Is he not planning to make any move para personal silang magka-usap at magkalinawan?

“Maybe down the line. Sana. If ever.”

Ano ba ang nakakapigil for him na gumawa ng hakbang so they can talk? Kailan ba sa palagay niya ang tamang panahon?

“Right now, I have to be honest lang kasi. It’s more like, I just have a hard time getting through the day. I can’t even plan for the future.

“I don’t know. I just need to survive first. And then we’ll see.”

Hiwalayang may kasamang demandahan. Bakit nga ba ganito ang nauuso sa showbiz ngayon?

Aiko Melendez versus Bulacan Mayor Patrick Meneses ang nauna. Ngayon naman, sina Mo Twister at Rhian Ramos. Tsk… tsk… tsk!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING