AFTER ‘SEVEN SUNDAYS’: AGA MUHLACH, AKTIBO NA MULI SA PAGGAWA NG PELIKULA

ADVERTISING

AFTER 'SEVEN SUNDAYS': AGA MUHLACH, AKTIBO NA MULI SA PAGGAWA NG PELIKULA

AFTER 'SEVEN SUNDAYS': AGA MUHLACH, AKTIBO NA MULI SA PAGGAWA NG PELIKULA
Aga Muhlach

BONGGA ang aktor na si Aga Muhlach. Dalawang pelikula ngayon ang ginagawa niya mula nang harapin niya muli ang kamera at naging aktibo sa showbiz.

Since naging active muli si “Morning” sa pagaartista after he came back with Seven Sundays, ngayon nominado siya as Best Actor para sa 2nd EDDYS Award ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors).

Yesterday, Monday ay lumipad patungong Vancouver, Canada si Aga para sa panimula ng shooting ng pelikula nila ni Bea Alonzo ayon sa panayam ng kaibigang Arniel Serrato para sa PEP.

Sa katunayan, kababalik din lang ng actor galing Greenland kung saan doon naman sila nag-shooting ng pelikula with Alice Dixson.

ADVERTISING

Sa ngayon, ang concentration ng actor ay ang paggawa muna ng pelikula. With two big films (with Bea and Alice as her leading ladies); puro malalaking project ang mga nasa line-up ng actor.

Ngayon na uso ang mga teleserye sa telebisyon, nai-share ng actor na never pa pala siya nakagawa nito in his entire career.

AFTER 'SEVEN SUNDAYS': AGA MUHLACH, AKTIBO NA MULI SA PAGGAWA NG PELIKULA
Aga Muhlach, Bea Alonzo and Direk Paul Soriano

Pero sa ganang amin ay mas oks na rin na walang serye si Aga na araw-araw siya napapanood dahil malamang ay mababawasan ang market value niya kapag gagawa siya ng pelikula at risky sa box-office kung palagi ka napapanood ng libre sa telebisyon.

Ang tunay na nami-miss ni Aga sa kanyang showbiz career ay ang paggawa ng sitcom. “Yeah, I missed doing sitcoms, yun ang buhay ko,” pahayag ng actor.

Ang very successful na sitcom ni Aga na Oki Doki Dok ay umere noong 1993 hanggang 2000 (pitong taon). The rest of the other sitcoms na sumunod na ginawa naman niya ay hindi nagtagal sa ere.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING