After her show’s season ended, Sharon Cuneta will be the biggest loser!

ADVERTISING

 

After her show’s season ended, Sharon Cuneta will be the biggest loser!

 

After her show’s season ended, Sharon Cuneta will be the biggest loser!KUNG TAHIMIK PA ang kampo ng Megastar na si Sharon Cuneta sa mga sandaling ito, naghahanda lang si Mega sa muli niyang paglabas para sa susunod na season ng The Biggest Loser Pinoy Edition.

Nasabi na ng kapirot ni Fanny Serrano ang malaking pagbabago kay Mega. Lalo na sa panga-ngatawan nito. Na siya namang inaabangan ng mga manonood na makita nilang pagbabago, lalo pa nga’t kasabay siyang umaariba ng mga contestants sa nasabing palabas sa mga dapat nilang gawin sa kanilang kalusugan, kasama na ang spiritual and emotional journey nila sa palabas.

ADVERTISING

Ang nasabi lang ni TF eh, from 40 plus na size ng bewang ni Mega eh, naging 34 na ito ngayon. ‘Yun pa lang daw ang p’wede niyang sabihin dahil mas gusto siyempre ni Mega na siya ang maglahad ng lahat-lahat ng ginawa niya, sinailaliman at kinumpronta maski ang sarili niya, kasama ang iba pang factors para dumating siya sa puntong ito na ang inasahan sa kanya ng karamihan eh, naging totoo na.

Nasabi ito ni TF sa launch naman niya as endorser ng sumagot sa problema niya sa falling hair na Novuhair. Medyo naging excited lang si TF na mabanggit ang secret pa sana ni Mega, pero mas marami pa raw mari-reveal in the days to come.

Si Shawie pa rin kaya ang maging winner sa kanyang pagiging biggest loser?

 

NAGPATAWAG NG PRESS conference si Heart Evangelista. Nasa tabi niya ang dalawa niyang abugadong sina Atty. Archimedes Gonzales at Atty. Camille Sevilla.

May narinig ako sa mga kasama kong press na may nagpupustahan pa kung iiyak o hindi ang aktres.

Kalmado naman si Heart sa paglalahad niya ng ‘totoong’ nangyari sa Ilocos, kung saan sila nag-shoot ng Temptation Island.

Sa salaysay ni Heart, dalawang beses siyang diumano’y ‘sinugod’ ni Marian sa kanyang room.

Ang pinagmulan daw eh, nang sabihin niya kay Marian, na apparently eh, hindi pa nasabi rito ng GMA-7 na magsasama sila sa isang proyekto ni Dingdong Dantes. Ang term pa nga raw na ginamit niya eh, ‘Magkakatrabaho kami ng ‘asawa’ mo’.

Kaya, nagulat daw si Heart sa naging reaksiyon ni Marian sa sinabi niya. At galit na galit daw ito. Pinagsisigawan na siya at kung anu-ano na ang sinabi. Dahil nahintakutan na raw siya, wala na siyang nagawa kundi ang umiyak. Ini-report niya ito sa production na kasama nila at ang mga ito na ang tumawag kalaunan sa mga magulang ni Heart para sabihin ang nangyari. Nang sa ikalawang beses eh, abutan uli ni Marian si Heart sa room niya, although inaayos na nga ng staff na ilipat na siya sa ibang kuwarto.

Kaya ang tanong din ng press kay Heart eh, kung sa kuwarto lang ba siya sinugod ni Marian at hindi naman siya ikinulong sa banyo. Hindi raw. Sa room niya lang. Sa kanyang privacy.

Kahit na raw gusto sana ni Heart na i-settle na lang ang issue privately, dahil doon mismo eh, inabisuhan na sila ng kanilang mother network to keep quiet  about  it,  si  Marian daw ang unang nagsalita sa press con ng pelikula nila at sa panahong wala siya rito.

“Kailangan ko nang i-defend ang sarili ko. The false and mean things that have been reported about me in the media and online have damaged my reputation. May death threats pa from her fans. Kaya I am sharing the truth about what happened in Ilocos.”

Naging exagged din daw ang pagre-report na may bitbit na 15 pulis ang Mommy niya nang sunduin siya nito sa NAIA. Dalawang empleyado raw ng NAIA ang pina-kiusapan nito para sunduin siya at hinintay lang siya nito sa may baggage area.

 

REPLY ON MARIAN Rivera’s side. She prefers to just be quiet about the issue. Hindi raw ito magre-reply sa kung anupaman ang mga sinabi ni Heart sa panig niya. Since, matagal na raw naka-move on si Marian.

At bilang respeto sa kanilang mother network, susunod lang daw ito sa utos sa kanya na manahimik about it!

 

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING