After Erich Gonzales and Angelica Panganiban: Kim Chiu met Star Magic boss in a closed-door meeting!

ADVERTISING

 After Erich Gonzales and Angelica Panganiban: Kim Chiu met Star Magic boss in a closed-door meeting!

 After Erich Gonzales and Angelica Panganiban: Kim Chiu met Star Magic boss in a closed-door meeting!

ADVERTISING

HINDI LANG PALA sina Angelica Panganiban at Erich Gonzales ang binigyan ng closed-door meeting ng Star Magic. Maging si Kim Chiu rin ay nagkaroon daw ng closed-door meeting sa Star Magic boss na si Mariole Alberto.

Two weeks ago, pinagbati ng ma-nagement nila sina Erich and Angelica after lumaki na nang husto ang away nila matapos ma-link ang una sa boyfriend ng huli na si Derek Ramsay.

Naungkat na naman kasi ang pagkikita nina Derek at Erich nang ipakilala ng hunk actor ang dalaga sa kanyang ina. Ayun, kumalat ang tsismis na sila na.

ADVERTISING

Hindi nga ba’t nagpatutsada pa itong si Angelica kay Erich?

Anyway, pinagsabihan daw ng Star Magic boss sina Erich at Angelica na ‘wag nang magsalita pa about the issue para hindi na ito lumaki.

Totoo nga bang nakasimangot itong si Kim Chiu matapos ang closed-door meeting niya sa Star Ma-gic? Bakit kaya? Nasermunan kaya siya?

 

NAGKITA PALA SA isang awarding ceremony sina Joel Cruz ng Aficionado Perfume at Hayden Kho na kasama si Dra. Vicki Belo.

“Pareho kaming awardee ni Dra. Vicki Belo that night ng isang restaurant. Dumating sila, late. Very civil. They just sat in their table. Ako rin may table din. Sila, as far as I remember they didn’t stay very long,” tsika ni Joel sa amin habang nasa kanyang yate.

Matatandaang nagkaroon ng gap ang dalawa nang gawing escape goat ni Hayden si Joel matapos itong mag-tweet tungkol sa isang billboard.

Saan nga ba posibleng nag-umpisa ang kanilang sigalot?

“They were asking me about his perfume. Sinabi ko lang, kasi totoo lang naman ang sinabi ko. Kunwari bibigyan ko kayo ng advice kunwari. Ang sasabihin ko, focus ka bang tao? Hands-on ka ba? Do you have a good personality kasi ilalagay

mo ang pangalan mo. ‘Wag mong ilalagay ang pangalan mo kasi pabango ‘yan. Sa akin naman kasi I give talks sa mga students. I’m being frank. Kahit sa staff ko, trabaho tayo, trabaho tayo,” paliwanag ni Joel.

Kung magkita man sila, magiging civil naman si Joel pero ipinagdiinan niyang hindi siya ang unang makiki-pag-usap kay Hayden.

“Ako naman naka-ready. Kung kausapin niya ako handa naman ako,” say pa ni Joel.

Maganda ang business acumen ni Joel dahil on his toes siya pagdating sa negosyo.

“Kami naman, nandito kami sa negosyo kaya we have competitor’s check. We check everything. Minsan nagiging kaibigan ng staff namin ‘yung tindera nila. ‘Yun naman, hindi ako mag-iimbento. We have to know na… hoy, pa-relax-relax ako, ‘yung ibang kumpanya ang lakas ng benta.”

Ayon kay Joel, number one endorsers niya ay sina John Lloyd Cruz, Gary Valenciano and Charice.

 

FRIENDS FOR LIFE. ‘Yan ang turing ni KC Concepcion kay Sam Milby.

Magkasama ang dalawa sa Forever and a Day ng Star Ci-nema kaya naman iniintriga ang pagiging close nila.

“I think Sam is one of the people in my life na for keeps na talaga and napag-usapan namin ‘yon before na talagang we don’t think that something will ever get in the way sa friendship namin. Parang ano siya, for life,” sabi ni KC sa Forever and a Day leading man niya.

“Nakakatuwa lang. Parang pareho kami ng kultura, pareho kami ng hilig, gano’n. So parang gano’n po,” dagdag pa ng singer-actress.

“Even before we started the movie, close na kami. So hindi naman, parang hindi naman kami mas close, kasi close talaga kami before we started the movie,” esplika naman ni Sam.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING