AFTER 5 YEARS: Ex-DJ and model Karen Bordador nakalaya na sa kulungan

PARANG kailan lang nang mabalitaan natin na isang sexy DJ at model ang nahuli sa isang buy-bust operation. Limang taon na pala ang nakararaan at ang tinutukoy noon sa balita ay walang iba kundi si Karen Bordador.

Sa kanyang newly-revived YouTube channel ay nagupload na ito ng kanyang bagong vlog as a free citizen.

AFTER 5 YEARS: Ex-DJ and model Karen Bordador nakalaya na sa kulungan
Karen Bordador

Sinulat nito sa caption, “5 Years ago it said in my diary, start VLOG videos! However, due to my sudden incarceration, I wasn’t able to fulfill my dream.

“Here I am starting again, as I step out of jail and fulfill what I wrote back in Aug 2016. I was gone for a while but then it made it all more interesting.  I went through a painful situation that changed my life. Here’s what happened, me stepping out of jail and how I begin again… Do watch and share this journey with me!”

Nakulong siya ng limang taon sa Pasig City Jail ang dalaga dahil pinagbintangan siyang drug dealer kasama ang ex-boyfriend na si Emilio Lim noong Agosto, 2016. Naabutan kasi siya sa condo. “Not guilty,” ang hatol kay Karen.

Nagbalik-tanaw si Karen sa mga nangyari. “In the morning I have a 2:00 – 6:00 a.m. radio show and in the afternoon, I have an event where I was an influencer for and I had a bunch of food so I thought and maybe I visit my ex (boyfriend) din for surprise, so I did that and 30 seconds later upon arrival, just 30 seconds!  My life completely changed,”

Negatibo ang resulta ng isinagawang drug test sa kanya, pero hindi pa rin siya pinakawalan ng otoridad.

“Imagine 30 seconds, I would lose like years of my life, my career, my everything really. Basically, I was at the wrong place at the wrong time.

“If I wouldn’t have gone else where that day or I was a little later few seconds later that would not happen to me at all,”

“Five birthdays inside, 5 New years, Christmases without my family, it was a very different experience from the life I normally a custom to. I’m pretty sure.  Who can never say I’ve been to jail, me!

“Although the incident did not happen at all, I accepted that everything that happens to a person must happen. That even if it’s one percent, it can happen to you.

“It happened to me, so if I’m gonna be somewhere, I’m gonna make sure to make a difference where I am at, and I’m also gonna try to do something very meaningful and purposeful so I made each day out.”

“On the 15th of June this year 2021, I was aquitted!” masayang sabi ng dalaga.

“Yes, I was finally acquitted, I’ve been waiting for that day for the longest time like every single day, I would pray, pray, pray, pray. When the verdict was announced, I super cried, sobrang cried, grabe 5 years!  Like to lose your life for 5 years,” sa parteng ito ay maluha-luha na si Karen.

“I wouldn’t say that I really lost it because I made so much progress inside, I made, I learned so many skills, read 300-plus books or probably more, created a library inside the jail.

“So I felt so so blessed like, sabi ko, this year, 2021, will be my year. So, I walked outside sobrang happy,” sambit pa niya.

Kita sa vlog ang paglabas niya sa Pasig City Jail kasama ang lady guard habang hawak-hawak ang release jail form, “Me, walking outside it probably would show how excited I am!”

At sa paglaya ni Karen ay wala siyang pinagsabihan maliban sa mama at ang driver niya habang kinukunan niya ang sarili, “Yehey, going home.

“I didn’t let anyone pick me up, I didn’t tell my friends. I just surprise them. But my mom knew, of course because she was super involved in my case like taking care of everything. I’m super grateful to my mom, she’s the best person ever.”

Habang kausap ang drayber na sumundo sa kanya ay nagpakita ito ng pagka-shock. “Feeling ko hindi ito totoo!  Nasanay na ako sa loob, ‘yung akala mo doon ka lang tapos biglang nangyari, na-acquit. Alam mo ‘yung kakaiba talaga.”

Sabi pa ng drayber, “Nasa bahay ka na.. parang magic lang ‘no? Ang tagal ng panahon.”

“Imagine ‘no?  Kinaya ko ‘yun? Inisip ko may purpose si Lord.  Hindi naman niya gagawin ‘yun para sa wala lang.” sagot ni Karen

Sa kanyang paglaya ay siguradong gagawin ni Karen ang lahat para ipagpatuloy ang mga trabaho at negosyong kanyang naiwan. Ang limang taon na kanyang inilagi sa kulungan ay magsisilbing isang malaking aral na nawa’y kapulutan ng aral ng mga tao. Inaabangan na namin ang mga kuwento niya sa buhay niya sa loob.