Actress na wala nang karisma, binarat ang taxi driver!

ADVERTISING

PITIK-BULAG! SINO itong actress na ito na talaga namang walang nang karisma? Saktong-sakto kasi, isang taxi driver ang nagkuwento talaga sa akin, na itong actress na ito ay talagang nagpahatid sa paroroonan niya, at pinaghintay ito at pagkatapos ay nagpahatid ulit sa pupuntahan niya.

Nakakaloka kasi, ang metro ay pumapatak na. Akalain mo, kinuha pa ng actress ang number ng taxi driver at parang inuuto-uto ng lola mo, ‘te! Itanong mo kung magkano ang binayad? Hahaha! P50!

ADVERTISING

Kinabukasan, nag-text at nagpapasundo ulit sa taxi driver. Sinabi na lang taxi driver na hindi siya bumiyahe. Sa tingin mo naman, ‘te, makakaulit ka pa? Hahaha! Kahit sino ka pa? Siguro, kaya nasunog ang balur mo… hahaha! Nakakaloka talaga!

(By Tita Swarding)

ADVERTISING