Actress’ showbiz career is moving so slow: Maja Salvador has attitude problem?

Actress’ showbiz career is moving so slow: Maja Salvador has attitude problem?PAGKATAPOS MAGLABAS NG sama ng loob niya si Deborah Sun sa nakaraang presscon ng Reputasyon, kung saan tinawag niyang plastic, fake at may attitude ang pinsang-buo na si Maja Salvador kung kaya’t kahit anong gaganda ng mga projects na binibigay rito ng ABS-CBN ay hirap makaalagwa ang career ng young actress, sinubukan naming ma-interview sa ASAP si Maja.

Iwas pa ring magbigay ng komento niya si Maj’s nang hingin sana namin ang side niya tungkol sa mga kuwento ni Deborah na wala siyang respeto at tinawag siyang plastic nito at fake, ipinaliwanag sa amin ng aktres na pinagbawalan siya ni Mr. Johnny Manahan na ‘wag nang patulan pa ang nasabing issue.

Ayon kay Maja, isang dinner ang pinagpaplanuhan ng Salvador’s clan para pormal silang magkakilala ng pinsang-buo. Tinanong din namin kung gaano katotoo na nagkita sila ni Deborah sa lamay ng kanyang ama pero i-nisnab niya ito at ‘di pinansin. Idinenay naman sa amin ito ni Maja at sinabing ‘di pa sila naipapakilala nang personal sa isa’t isa, taliwas sa kuwento sa amin ng beteranang aktres.

 

NAGING ISYU ANG mga tweets ni Kris Aquino na nagpahayag ng kanyang pagka-offend sa lumabas na interview kay Mayor Jun-Jun Binay, kung saan na-quote ang butihing alkalde ng Makati sa tanong sa kanya ng isang ko-lumnista na, “Why do people marry? Because of lack of knowledge… Why do they separate? Because of lack of experience… Why do people remarry? Because of loss of memory.”

Nagbitaw rin ng salita si Kris na puputulin na talaga niya ang pakikipagkaibigan at iiwasan na niya ang makipagkomunikasyon dito, para na rin maiwasang maintriga at maisyu na naman silang dalawa. Ngayon nga ay binura na ng kontrobersyal na TV host ang nasabing mga tweets.

Sinubukan naming kunin ang panig ni Ma-yor Binay tungkol sa mga tweets ni Kris. Isang press statement ang pinadala sa amin ni Joey Salgado, PR ng nasabing alkalde. Ito ang nilalaman ng text message na natanggap namin mula sa kanya.

“Mayor Jun Binay told the Star columnist that he has no immediate plans of remarrying because his wife, whom he loved dearly had just passed away. He also needs to take care of his kids and has a city to manage as Mayor. The portion quoted by the columnist was just an aside. The Mayor said those words in jest. He did not intend to offend anyone especially Kris. Mayor Jun and Kris talked last night. He apologized. – Joey Salgado.

By MELBA R. LLANERA