Actor Joel Saracho, may hirit sa talak ng talak sa MMFF isyu!

ADVERTISING

Actor Joel Saracho, may hirit sa talak ng talak sa MMFF isyu!

Actor Joel Saracho, may hirit sa talak ng talak sa MMFF isyu!
Joel Saracho with Meryl Streep

KUNG si Mae Paner aka Juana Change may sey sa isyu ng kaguluhan ngayon na nagaganap sa pagresign ng tatlong members ng Execom ng MMFF2017 na sina Rolando Tolentino, Kara Magsanoc-Alikpala at Ricky Lee, ang aktor na si Joel Saracho ay may sarili din opinyon sa mga kuda ng kuda tungkol sa mainit na pinag-uusapan ngayon.

 
Sino si Joel? Isa siyang cultural activist and at the same time ay isang aktor sa mga teleserye, entablado at pelikula.
 
The last time na napanood ko si Joel ay teleseryeng “On the Wings of Love” na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.  
 
Sa pre-programming ng It’s Showtime na serye nina Kim Chiu at Gerald Anderson na “Ikaw Lang ang Iibigin”; Joel plays the tatay-tatayan of Geh.
 
Sa GMA Kapuso Network, kasama din ang aktor sa kasisimula lang na”I Heart Davao” nina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Glenda Garcia.
 
Sa pelikula naman, isa siya sa mga artista na kasama lang naman sa Cannes Film Festival nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz at Direk Lav Diaz  na “Hele sa Hiwagang Hapis” kung saan siya si Mang Karyo na isa sa mga kasama ni Oryang sa paghahanap sa 8 hour duration na panonood ng pelikula,
 
Pero napa-smile ako sa post ni Joel noong Friday (June 30) ng gabi sa kanyang Facebook account habang ang mundo ng mga taga-gawa ng mga indie films ay kuda ng kuda at may kanya-kanyang opinyon at diskurso na may pagmamaasim sa isyu ng mga naunang napili na mga pelikula na kasali sa MMFF 2017 sa darating na December.  Ang saya-saya ng mga eksena.
 
Actor Joel Saracho, may hirit sa talak ng talak sa MMFF isyu!
Joel Saracho with Angel Aquino

Pagkakasulat ni Joel: “Okay, guys. Chill. lumabas na yung 4 finalists sa MMFF. Obviously, malaking consideration ang box-office appeal. Okay na yan.

 
“Kung talagang gusto nyo ng mas seryoso (art? Artsy? ) na pelikula, aba’y manood kayo ng Cinemalaya, Cinemaone, QCinema, To Farm, at iba pang festivals. meron pa ngayong PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino).
 
“Huwag lang talak ng talak hane? tangkilikin ninyo ang gusto nyong tipo ng pelikula para ganahan ang filmmakers.
 
“ Ang hirap kasi nung ayaw nyo ng commercial movies, hindi naman kayo nanonood ng mga independently produced. magbabago lang yan kung ipapakita nyo kung saan kayo tataya.
 
Sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino ay may dalawang entry si kapatid na Joel na interesting ang plot sa amin  na  “Salvage” na isang horror film na bida si Jessy Mendiola at JC de Vera at ang “Paglipay” na isang romance ang peg
Watch tayo ng indie films basta may libreng pases. Pak na pak teh!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING