Actor-dancer, naghahanda na sa pagpasok sa pulitika

ADVERTISING

BLIND ITEM: We heard na tatakbo palang konsehal sa isang lungsod sa Metro Manila ang isang actor-dancer. Kasi nga, ang fadir niya ay matatapos na sa 2016 ang termino bilang konsehal at siya ang itinutulak nito para magpatuloy ng magandang record ng ama sa lungsod.

Hindi pa sa ngayon mag-a-announce ang actor-dancer, dahil pinag-aaralan pang mabuti ang mga pasikot-sikot sa pagtakbo. “Mahusay naman ang tatay niya, eh. Number one councilor actually, kaya hindi na siya mahihirapan pang magpakilala.

ADVERTISING

“Saka sa lugar namin, kahit wala pa siya sa posisyon at ama pa lang niya ang nakaupo eh, mabait naman siya. Kaya feeling ko, panalo ‘yan,” sey pa ng aming kausap.

By Ogie Diaz

ADVERTISING