Active na ulit sa showbiz
Hayden Kho, ready nang makatrabaho sina Katrina Halili at Maricar Reyes

ADVERTISING

<i>Active na ulit sa showbiz</i><br> Hayden Kho, ready nang makatrabaho sina Katrina Halili at Maricar Reyes

<i>Active na ulit sa showbiz</i><br> Hayden Kho, ready nang makatrabaho sina Katrina Halili at Maricar ReyesMAY EXCLUSIVE story kami sa panga-nganak ni Katrina Halili na napanood n’yo naman siguro sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Na-interview namin sila ni Kris Lawrence, at hindi napigilan ni Katrina na maiyak nang kinuwento nito kung gaano siya kasaya sa pagdating ng baby girl nila ni Kris na pinangalanan nilang si Katrence.

Nakalabas na sila ng hospital nu’ng Biyernes at gusto raw muna ni Katrina na mag-concentrate sa pag-aalaga sa kanilang baby.

Sa January na raw ang binyag dahil uuwi rito ang Mommy ni Kris galing Amerika.

ADVERTISING

Nasabihan na raw nila ang mga ninong at ninang na pawang close naman sa kanilang dalawa.

Natuwa naman ako na kinausap ni Katrina si Marian Rivera na mag-ninang ito. Excited na nga raw si Marian na makita ang baby.

Ilan sa mga kinuha nilang ninong at ninang sina JayR, Mark Herras, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, Paolo Contis, Denise Laurel na pawang close naman sa kanila.

Pagkatapos daw ng binyag nito ay magpapayat pa raw muna nang husto si Katrina para puwede na raw itong bumalik sa showbiz.

Nagpapasalamat si Katrina sa GMA-7 dahil iri-renew pa raw ang kontrata nito para may babalikan pa siyang trabaho.

 

BUMALIK DIN sa showbiz si Hayden Kho dahil pumirma na ito ng kontrata sa Regal Films na ima-manage nina Roselle Monteverde, Leo Dominguez at Girlie Rodis kasama si Carlo Orosa ng Stages.

Nakahanda raw siyang harapin lahat dahil nakasanayan na rin naman daw niya ang kontrobersya.

Friends pa rin daw sila ni Dra. Vicki Belo at nagtatrabaho pa nga siya sa Belomed.

Since active na siya sa showbiz, ready naman daw siyang makatrabaho kung sakali sina Katrina Halili at Maricar Reyes.

Depende raw kung handa raw ba silang makatrabaho siya.

Nagbigay nga ito ng greetings kay Katrina dahil sa panganganak niya, pero hindi na ito sinagot ng aktres.

I’m sure suportado ‘yan ni Dra. Belo, dahil tingin ko love pa rin niya ‘yan. Hindi malayong magkabalikan pa ‘yan sila, ‘day!

 

UMALIS NA pala si Paolo Contis sa bahay na pinagsamahan nila ni Lian Paz. Nu’ng nakaraang Sabado lang niya nadalaw ang mga anak nila at miss na miss na nga raw niya ito.

Nag-usap na nga kami ni Paolo, pero sa amin na lang muna ito dahil malalim nga ang isa sa mga dahilan nang paghihiwalay nila.

Maayos naman daw ang usapan nila ni Lian pagdating sa dalawang anak nila.

Nang tinanong ito ng Startalk kung totoong inaayos na ba nito ang annulment, hindi ito sinagot ng aktor.

Ayaw na lang daw niyang idetalye ang kung ano man ang mga plano nito.

Problema naman daw nila ito ni Lian, at sila lang daw ang makapag-aayos nito na hindi na kailangang pakialaman ng iba.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING