Action star, isinumpa ng kapwa action star

ADVERTISING

BLIND ITEM: Dalawang action stars ang bida natin sa ating blind item ngayon. Action Star 1 ang isinumpa ni Action Star number 2.
Dating barkada ang dalawa at nang sinuwerte si Action Star 1 ay mukhang nalunod na ito sa isang basong tubig. Ibig sabihin ay lumaki ang ulo at yumabang.
Yumaman at nagkaroon ng posisyon sa pulitika kaya kinalimutan na ang mga taong nakasama at kaibigan noong siya ay struggling action star pa lamang.
Hindi raw makalimutan ni Action Star 2 nang dumalaw siya sa teritoryo ni Action Star 1 at malamig ang pakitungo nito.
Parang wala silang pinagsamahan at mukhang nagka-amnesia.
Kaya naman umalis na lamang ang ang Action Star 2 at isinumpa niya ang Action Star 1 na darating ang panahon na ito ang lalapit sa kanya. ‘Yun na!

By Fernan de Guzman

ADVERTISING