According to Jobert Sucaldito: Kris Aquino, user!

ADVERTISING

According to Jobert Sucaldito: Kris Aquino, user!

According to Jobert Sucaldito: Kris Aquino, user! OLA CHIKKA NOW na! Thanks God, it’s Friday! At more chikka na naman, dahil heto na nga ang in na chikka. May mga bali-balitang nakisawsaw raw si Kris Aquino sa awayan nina Jobert Sucaldito at John Lapus. Kaya nawindang naman ako, dahil alam ko ngang magkaibi-gan din itong sina Jobert at Kris, pero bakit may ganu’ng eksena?

ADVERTISING

Dahil nagulantang ang beauty ko, nag-text ako kay Jobert kung ano ang masasabi niya at kung may away ba sila ni Kris, at ilalabas daw niya ang baho nito? How true?

Heto naman ang mga sagot ni Jobert: “Ayoko na sa kanya, ayokong makipagplastikan sa mga katulad n’ya. ‘Di naman marunong mag-appreciate ng mga nagagawa mo for her, parang utang na loob pa natin ang pagdedepensa sa kanya. Kasi nga maliliit na tao lang tayo. ‘Di n’ya tayo ka-level? It’s alright. Life seems better without her sa buhay natin.”

Regarding naman kay John Lapus, kung sino ba ang nag-text: “Siya (Kris) ang nag-text sa akin regarding John Lapus. Ang tinext ko lang sa kanya ay ang pagbawi ko ng imbitasyon ko sa kanya for my birthday party. Ayaw ko nang pagamit sa kanya.”

ADVERTISING

Ayan, at least, nalaman na natin kung ano ang side ni Jobert. Siguro nga, talagang sumama ang loob niya dahil nga kay John Lapus. Pero hindi naman natin masisisi si Kris, dahil nga ang sabi niya, kung sino ang nagmamahal sa mga anak niya, mahal niya rin. ‘Yun na!

Nakakaloka, ‘di ba? Pero heto naman ang isyu about Ted Failon at Kris na talagang matutuloy na raw ang pagsasama nila sa May. Hahaha! ‘Di ba, araw-araw na nga raw silang nagsasama? Ay, naloloka talaga ako sa Earth…

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino naman itong nagbebenta sa World Trade Center ng mga gamit niya, kaya lang mukhang walang may balak bumili ng sapatos niya dahil may amoy raw? Isa raw itong boksingero, at may amoy raw ang paa! Nakakaloka! Hahaha!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.
According to Jobert Sucaldito: Kris Aquino, user!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING